Balita

Ricky Davao, balik-gay role

- –Nitz Miralles ralles

PAHINGA muna sa pagiging director si Ricky Davao dahil balik-acting siya sa My Korean Jagiya bilang tito na naging tita ni Gia ( Heart Evangelist­a). Maraming beses na siyang gumanap bilang beki sa mga nauna niyang proyekto sa TV at pelikula kaya balikbadin­g role siya sa show.

Bilang si Josie Asuncion, nasa gitna ng pagiging screaming at reserved gay ang karakter ni Ricky. Hindi namin alam kung seryoso siya sa sinabing si Joe Barrameda ang peg niya sa kanyang role.

Masaya ang role at karakter ni Ricky na si Josie na love na love ang pamangking si Gia at kapatid na si Aida ( Janice de Belen). Pero magkakaroo­n sila ng conflict ng kapatid dahil sa lalaki. Pag-aagawan nila si Raymart

Santiago na magi-guest sa My Korean Jagiya. Nararamdam­an ni Ricky na susuportah­an ng viewers ang My Korean Jagiya dahil naiiba ito sa mga napapanood na show ngayon.

“Mapi- feel mo naman ang pulso ng viewers, maingay sa social media at pinaguusap­an na nababalita pa lang na may gagawin ang GMA-7 na Pinoy-Korean series. Kakaiba talaga ito dahil hindidi na lang Korean stars dubbed in Tagalog ang mapapanood na nagsasalit­a sa screen. Sa My Korean Jagiya, Korean stars na nagsasalit­a ng Korean ang mapapanood at sila ngayon yon ang may subtitles,” wika ni Ricky.y.

Masaya ang taping nila, kuwento pa ni Ricky, dahil ahil magkakasun­do ang lahat. at. Nagulat daw sina Alexander der Lee, Michelle Oh, Jerry ry Lee at David Kim na may y airconditi­oned tent sa taping dahil wala noon sa Korea. Lagi nga namang malamig ang klima sa kanila.

Sa direction ni Mark Reyes, inaaanyaya­han ni Ricky ang Kapuso viewers na panoorin at subaybayan ang My Korean Jagiya na magpapakit­a ng mixture ng Filipino at Korean values.

 ??  ??
 ??  ?? Ricky
Ricky

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines