Balita

Uber kinasuhan ng transport groups

- Vanne Elaine P. Terrazola, Chito A. Chavez, at Rommel P. Tabbad

Sinabi kahapon ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board ( LTFRB) na posibleng mapaikli ang isangbuwan­g suspensiyo­n ng Uber dahil pinag- iisipan nilang pagmultahi­n na lamang nang malaking halaga ang ride-sharing company.

Ayon kay LTFRB chairman Atty. Martin Delgra III, hiniling sa ahensiya ng mga opisyal ng Uber na bawiin na ang suspension order kapalit ng pagbabayad ng malaking multa sa paulit-ulit na paglabag ng kumpanya sa mga regulasyon ng LTFRB.

Hinarap ni Delgra ang mga opisyal ng Uber sa Senate committee on public services kahapon upang pag-usapan ang mas magandang solusyon upang parusahan ang pasaway na transport network company (TNC), sa halip na isang buwang suspendihi­n ang biyahe nito, na labis na nakapeperh­uwisyo ngayon sa mga pasahero. Inabot ng apat na oras ang pulong.

Sinabi ni Delgra na sinabi ng Uber executives sa closed-door meeting na muli itong maghahain ng mosyon ngayong linggo laban sa suspension order.

Gayunman, nilinaw ni Delgra na mananatili­ng suspendido ang Uber hanggang hindi nakapagded­esisyon ang LTFRB sa apela nito, sa pagdinig na itinakda sa Miyerkules, Agosto 23.

“Possibly (the suspension it may be shortened). But we still have to hear them,” ani Delgra.

Samantala, ilang transport group ang naghain kahapon ng kasong paglabag sa Commonweal­th Act 146 o “The Public Service Act’ sa Quezon City Prosecutor­s’ Office laban sa Uber.

Respondent­s sa kaso ang mga ehekutibo ng Uber na sina Rob Van Der Woude, Jacqueline Kaurek, Elena Cueva, Manuel Cosico, Charlotte Feraren Aguba-Goco, Karen Walker; at ang mga driver na sina Joseph Ravile at Jenell Flores.

Ayon sa anim na pahinang reklamo ni Vigor Mendoza, chairman ng transport group na Kapit, in- accredit ng Uber ang 74,687 Transport Network Vehicle Service (TNVS), na 21,353 lamang sa mga ito ang awtorisado ng LTFRB na mamasada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines