Balita

Wanted: Bagong henerasyon ng mga mambabasa— Rio Alma

- Ni Terence Repelente

Hindi na umano mahalaga kay National Artist for Literature Virgilio S. Almario ang muling pagkakamit ng Pilipinas ng karangalan sa larangan ng literature. Ayon sa chairman ng National Commission on Culture and Arts (NCCA) at Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), pagtutuuna­n muna niya ng pansin ang paglulunsa­d ng bagong henerasyon ng mga “passionate” na mambabasa.

“Wala na tayong magagawa sa mga matatanda kasi ‘pag ayaw talaga magbasa, ‘di na magbabasa ‘yun. What we can do now is to start a new generation of readers. Let us encourage and influence them,” ani Almario, na kilala rin sa kanyang pen name na Rio Alma.

Sa isang diskusyon kasama ang mga editor ng Manila Bulletin kahapon, sinabi ni Almario na isa sa mga kinahahara­p na problema ng globalisas­yon ay ang pag-usbong ng banyagang kultura, tulad na lang ng K-pop (Korean popular culture).

Iginiit din niya ang importansi­ya ng edukasyon at literatura, na dapat umano ay bigyan ng kahalagaha­n at pagtuunan ng pansin. Isa siya sa mga may hangaring ipagtanggo­l ang literatura kaysa sa ibang bagay.

“Ang tingin ko kasi one failure of education is that once we graduate, graduate na din tayo sa literature,” pahayag niya.

Ibinunyag niya rin na nakatutok ang administra­syong Duterte sa pagkakaroo­n ng Department of Culture—ang nasabing kagawaran ay may police powers upang maisagawa ang mga promosyon, proteksyon, at pangangala­ga sa mga programang may kinalaman sa kultura, na makatutulo­ng sa pagtupad ng NCCA sa mandato nito.

“I am for the forming of the Department of Culture. It is not about the budget. But there are things that a department can do that NCCA can’t,” sabi niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines