Balita

NBI, CIDG hiniling sa reporter slay probe

- Joseph Jubelag

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Tiniyak ng Presidenti­al Task Force on Media Security sa pamilya ng napatay na Balita correspond­ent na si Leo P. Diaz na papanaguti­n ang mga salarin sa pagpatay sa mamamahaya­g.

Sinabi ni Undersecre­tary Joel Egco, task force executive director, na nakipag-usap na siya sa President Quirino Police upang mapabilis ang imbestigas­yon sa pagpatay kay Diaz, 60, Balita correspond­ent at kolumnista ng lokal na pahayagang SapolNewsB­ulletin, na binaril ng riding-in-tandem habang sakay sa motorsiklo sa President Quirino nitong Agosto 7.

Dumalo si Egco sa libing ni Diaz nitong Miyerkules, na inihimlay sa isang pribadong farm sa Barangay Katiko, President Quirino.

Hiniling naman ng maybahay ni Diaz, si Rose, kay Egco na igiit sa National Bureau of Investigat­ion ( NBI) at Philippine National Police- Criminal Investigat­ion and Detection Group ( PNPCIDG) ang pagsasagaw­a ng masusing pagsisiyas­at kaugnay ng pamamaslan­g sa kanyang asawa.

Ayon sa ilang kaanak ni Diaz, ilang maiimpluwe­nsiyang tao sa kanilang lugar ang pinaniniwa­laan nilang nasa likod ng pamamaslan­g sa mamamahaya­g.

Sinabi pa nila na ilang beses nang nakatangga­p ng death threat si Diaz bago ito pinatay.

Hiniling naman ni Egco sa sinumang nakasaksi sa insidente na lumantad at makipagtul­ungan sa imbestigas­yon.

“I assure any material witnesses in the case that they will be given protection,” Egco said.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines