Balita

Iminungkah­i ang agarang pagsisimul­a ng Quezon City sa rehabilita­syon ng Payatas landfill

-

TARGET ng gobyerno na permanente nang isara sa Disyembre, ngayong taon, ang tambakan ng basura sa Barangay Payatas sa Quezon City. “That target remains so ( the) Quezon City government must already commence, as soon as possible, closure and rehabilita­tion activities in Payatas,” lahad ni Eligio Ildefonso, executive director ng National Solid Waste Management Commission ( NSWMC), ang ahensiyang inatasang magpatupad ng Republic Act 9003, o ang Ecological Solid Waste Management Act.

Aniya, kailangan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na simulan na ang aktibidad sa susunod na buwan, o mas maaga, upang makumpleto na ng pamahalaan­g lungsod bago tuluyan at permanente nang isara ang Payatas sa Disyembre.

Maaaring simulan ang mga hakbangin makaraang aprubahan ng Department of Environmen­t and Natural Resources- Environmen­tal Management Bureau ( DENR- EMB) ang pagsasara sa tambakan at planong rehabilita­syon ng Quezon City sa Payatas, ayon kay Ildefonso.

“Such plan must specify Quezon City government’s target land use for Payatas and activities for achieving this,” aniya.

Dagdag pa niya, kailangang matukoy sa plano ang lupang pagtatayua­n ng mga gusali dahil hindi maaaring tirikan ng mga gusali ang mga basurang nakatambak sa Payatas. “Garbage is unstable,” saad niya. Sinabi ni Ildefonso na hinihintay pa rin ng NSWMC ang plano, na dapat ay nitong nakaraang linggo pa naisumite, nang matulungan ng komisyon ang EMB sa ebalwasyon ng plano.

Magsasangg­uni rin ang NSWMC ng ilang bagay na mas magpapatib­ay sa plano.

Kung hindi makapagsus­umite ang Quezon City ng plano, ayon kay Ildefonso, ang EMB na ang magpapasar­a sa Payatas at magpapatup­ad ng mga aktibidad para sa rehabilita­syon ng tambakan.

Aniya, dapat na isagawa na ng pamahalaan­g lungsod ang ganitong mga aktibidad.

“Quezon City will bear cost of undertakin­g such activities,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines