Balita

Sa kagustuhan ng Maykapal

- Celo Lagmay

TUWING binubuksan ang nominasyon para sa National Artist Awards, kaagad sumasagi sa aking utak ang ating mga kalahi na tunay na karapat-dapat sa naturang karangalan; mga kapanalig natin na nagpamalas ng kahusayan sa iba’t ibang larangan ng sining na tulad ng panitikan o literatura, paintings, pagganap sa pelikula, pag-awit at iba pa.

Hindi kumukupas ang aking paghanga sa ating mga National Artist na maingat na sinala, dumaan sa mahigpit na screening ng Cultural Center of the Philippine­s ( CCP) at ng National Commission for Culture and the Arts ( NCCA). Natitiyak ko na marami pang karapat-dapat na National Artist o Pambansang Alagad ng Sining ang pagkakaloo­ban ng gayong karangalan.

Bigla kong naalala ang kawikaang “In God’s Time” na laging binibigkas ni super star Nora Aunor. Kung hindi ako nagkakamal­i, ang naturang kawikaan na tigib ng pagpapakum­baba ang naging panlibang niya, wika nga, nang siya ay mistulang kinaligtaa­n ng CCP at ng NCCA na gawaran ng National Artist Award. Marami ang naniniwala na siya ay isang potential awardee sa larangan ng pag-arte at pag-awit.

Isa pa, nahigingan ko na tila hindi siya nakatugon sa pamantayan ng nakaraang administra­syon. Masyado kaya siyang minaliit at hindi marapat ihanay sa mga katangian at kahusayan ng ating mga National Artists?

Walang dapat panghinaya­ngan si Nora Aunor. Natitiyak ko na darating ang panahon na matatauhan din ang mga kinauukula­n upang siya ay tanghaling isang Pambansang Alagad ng Sining. Ang naturang karangalan ay hindi ipinakikiu­sap. Totoo, ang anumang bagay ay matatamo natin sa kagustuhan ng Panginoon.

Sumagi sa aking gunita ang isang kapatid natin sa panitikan – si Edgar Reyes – na maituturin­g na isang henyo sa pagsulat hanggang sa kanyang kamatayan. Sa isang okasyon, buong- galang niyang tinanggiha­n ang isang Literary Award sa katuwiran na...

marami pang higit na karapat-dapat sa naturang karangalan kaysa kanya. Bahagi na ng kasaysayan ang ibang pangyayari. Totoo, tulad ng laging binabanggi­t ng ating mga kapwa kolumnista na marami pa tayong mga kapatid sa panulat na dapat tanghaling National Artist. Sino ang hindi hahanga sa yumaong sina Kerima Polotan, Carmen Guerrero-Nakpil, Gilda Cordero Fernando at iba pa. Marami rin ang namumukod-tangi sa iba pang larangan ng sining.

Tulad ng paniniwala ni Nora Aunor, ang gayong mga karangalan ay mapapasaka­may ng sinuman In God’s Time, wika nga.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines