MABUTING BALITA
Jos 3:7-10a, 11, 13-17 ● Slm 114 ● Mt 18:21-19:1
Nagtanong si Pedro: “Panginoon, gaano kadalas ko naman dapat patawarin ang mga pagkukulang ng aking kapatid? Pitong beses ba?” Sumagot si Jesus: “Hindi, hindi pitong beses kundi pitumpu’t pitong beses.
“Tungkol sa Kaharian ng Langit ang kasaysayang ito. Isang hari ang nagpasyang pagbayarin ng utang ang kanyang mga utusan… iniharap sa kanya ang isang may utang na sampung libong baretang ginto. Dahil walang maibayad sa kanya ang tao…
“… nagpatirapa sa paanan ng hari ang opisyal at sinabi: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon, at babayaran kong lahat ang utang ko.’ Naawa sa kanya ang hari at hindi lamang siya pinalaya kundi kinansela pa ang kanyang utang.
“Pagkaalis ng opisyal na ito, nasalubong niya ang isa sa kanyang mga kasamahan na may utang namang sandaang barya sa kanya… Nagpatirapa sa paanan niya ang kanyang kasamahan at nagsabi: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon…’ Ngunit tumanggi siya at ipinakulong ito hanggang makabayad ng utang.
“Labis na nalungkot ang iba nilang kapwa-lingkod… Kaya pinuntahan nila ang kanilang panginoon… Ipinatawag niya ang opisyal at sinabi: ‘Masamang utusan… Hindi ba dapat ay naawa ka rin sa iyong kasamahan gaya ng pagkaawa ko sa iyo?’ Galit na galit ang panginoon kaya ibinigay niya ang kanyang utusan sa mga tagapaghirap hanggang mabayaran nito ang lahat ng utang.”
PAGSASADIWA:
Hindi pitong beses kundi
pitumpu’t pitong beses.— Kung walang hangganan ang pagmamahal, wala ring hangganan ang pagpapatawad. Ito ang nais bigyang-diin ni Jesus sa ebanghelyo. Ang akala ni Pedro, pitong ulit lamang magpapatawad sa isang nagkasala. Itinuwid siya ng Panginoon. Ang “pitumpu’t pitong beses” ay nangangahulugan na walang limitasyon ang pagpapatawad sa kapwa. Kung iisipin, ang Diyos ang halimbawa ng walang hanggang pagpapatawad.