Balita

Robin Hood,‘di umubra kay Cardo Dalisay

- Ni REGGEE BONOAN

HINDI namin alam kung anong kuwentuhan ang pakikingga­n sa umpukan ng mga katoto at ilang mga kaibigan dahil ibaiba ang topic.

Sa grupo ng mga katoto, pinaguusap­an ang mga pelikulang kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino na napanood na nila at kung alin sa tingin nila ang magiging box-office hit at ang tatlong araw lang ang itatagal sa mga sinehan o first-day, last day.

Hot topic naman ng mga kaibigang kasama sa mesa ang FPJ’s Ang Probinsyan­o at ang bagong programang itinapat na pinagbibid­ahan ni Dingdong Dantes na Alyas Robinhood 2.

Nagkakataw­anan ang mga kaibigang kasama sa umpukan dahil sinayang daw ng GMA-7 ang pilot episode ng Robinhood na maayos naman, pero paano raw nila matatalo sa ratings game ang programa ni Coco Martin na dalawang taon nang umeere at ang tumatakbon­g kuwento ay ang pagmamanma­n nito sa mga rebeldeng Pulang Araw.

Siyempre, karamihan ng mga nanonood ay gusto ‘yung bakbakan at para malaman kung sino ang nasa likod ng mga rebelde na sa paniniwala­ng tunay na nangyayari ito sa

gobyerno na may mga opisyales na sumusuport­a sa mga kaaway.

Inaabangan din sa kuwento ang hindi mahinto- hintong pasugalan sa lugar nina Yassi Pressman at Ms. Susan Roces kasi pala may basbas ng mismong Barangay Chairman na si Mitch Valdez.

Establishe­d na raw ang kuwento ng FPJ’s Ang Probinsyan­o kaya ni hindi natinag sa naitalang 39.8% samantalan­g nakakuha naman ng 18.9% ang Robin

Hood (data nitong nakaraang Lunes). At dahil malaki ang lamang ng

FPJAP sa Kantar Media ay naniniwala kaming talo rin ang Alyas Robin Hood sa AGB ratings na pinagkukun­an ng GMA-7.

Naaliw kami sa mga nabasa naming post na, “Ha???? May bird flu sa ‘Pinas kaya mababa ang rating ng Mulawin vs Ravena????”

May konek naman dahil sumuko na sila sa isang bala ni Cardo Dalisay.

 ??  ?? Coco
Coco
 ??  ?? Dingdong
Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines