Balita

Maria sa US Open

-

NEW YORK (AP) — Muling masisilaya­n ang kagandahan at kahusayan ni Maria Sharapova sa Grand Slam event nang pagkalooba­n ng wild-card invitation para sa U.S. Open’s main draw nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Ito ang unang sabak ng fivetime major champion sa Grand Slam matapos masuspinde ng 15buwan bunsod ng pagkakasab­it sa doping test.

Kabilang si Sharapova sa walong babaeng player na binigyan ng wild card entry sa 128-player field ng U.S. Tennis Associatio­n.

Kabilang ang US Open (2006) sa major title ng dating world No.1 bago nabakante nang mahigit isang taon.

“Her suspension under the terms of the tennis anti-doping program was completed and therefore was not one of the factors weighed in our wild-card selection process,” pahayag ng USTA.

Ipinahayag din ng organizati­on na nagbolunta­ryo si Sharapova na magbigay ng mensahe sa mga batang player sa USTA national campus para talakayin ang kahalagaha­n gahan ng anti-doping g program at responsibi­lidad ibilidad ng player para tumalima.

Nabigyan an din ng wild card sina Taylor aylor Townsend, reigning U.S. Open girls’ champion Kayla ayla Day, 2017 NCAA singles champion mpion Brienne Minor, U.S. Open wild-card challenge winner Sofia a Kenin, USTA Girls’ 18s national al champion Ashley Kratzer at Amandine Hesse ng France.

Nakatakda kda ang U.S. Open sa Agosto 28 sa a Flushing Meadows.

 ?? AP ?? SHARAPOVA: Balik Grand Slam.
AP SHARAPOVA: Balik Grand Slam.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines