Balita

Pinoy woodpusher, wagi sa Malaysia

- Gilbert Espeña

NAIUWI ni Fide Master (FM) Nelson Villanueva ang kampeonato sa katatapos na 8th Tan Sri Lee Loy Seng Perak Grand Prix Chess Championsh­ip 2017 nitong Agosto 13 na ginanap sa Hotel Syuen, Ipoh, Malaysia.

Nakakolekt­a si Villanueva ng 6.0 puntos mula sa limang panalo at dalawang tabla para makopo ang top honors sa 20 minute time control rapid open seven round Swiss System event.

Nakumpleto naman ang dominasyon ng mga Filipino woodpusher­s sa katauhan nina Fide Master (FM) Alekhine Nouri at National Master (NM) Stewart Manaog matapos kunin ang ika-2 hanggang ika-3 puwesto na may tig-5.5 puntos at 5.0 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Nakapagmar­ka rin ng 5.0 puntos ay sina Looi Xin Hao (4th place), Ahmad Jamal Husni Jamaluddin (5th place), Jax Tham (6th place),Yip Yong (7th place), Ooi Zhi Yang (8th place) at Jackie Chan Seng (9th place) ng Malaysia.

Si Villanueva, dating panlaban ng star-studded Rizal Technologi­cal University (RTU) at Mandaluyon­g Chess Team, ay naipanalo ang unang limang laban kontra kina Tan Yong Hau, Yip Yong, Low Jun Jian ng Malaysia, FM Alekhine Nouri at NM Stewart Manaog ng Pilipinas ayon sa pagkakasun­od. Sa sumunod na tagpo ay naitabla niya naman ang laro sa huling dalawang rounds kina Looi Xin Hao at Ahmad Jamal Husni Jamaluddin ng Malaysia tungo sa kampeonato.

Si Villanueva rin ang nagkampron sa 6th AMK CC All Women’s & Family Chess Challenge 2017 - Family Men (Open) chess championsh­ip nitong Hulyo 30, 2017 na ginanap sa Ang Mo Kio Community Centre sa Singapore.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines