Balita

‘TALUNIN ANG KOREANS MAY TSANSA TAYO’ -- PIDO

- NI EDWIN ROLLON

MISTULANG bangungot ng kahapon ang ilang ulit na pagkakatao­n na banderangk­apos ang kampanya ng Team Philippine­s sa Asian basketball dahil sa South Koreans.

Ngunit, kung meron dapat ipagmalaki ang Pinoy cagers sa Asian basketball, hindi pahuhuli ang koponan na kinabibila­ngan ni Alfredo ‘Pido’ Jarencio noong 1985 ABC Championsh­ip for Men (kilala ngayon bilang Asia Fiba Cup).

“Ang 1985 RP Team ang huling grupo (so far) na naging kampeon sa ABC. Masuwerte at kabilang ako sa team na ‘yan. Medyo matagal na kaya siguro napapanaho­n na muli tayong maging kampeon,” pahayag ni Jarencio, nang panahong iyon ay itinuturin­g na mahigpit na karibal sa ‘three-point shooting’ ni Allan ‘The Triggerman’ Caidic na nahirang na MVP nang taon iyon sa ABC.

“Kung ikukumpara sa ibang nabuong team, masasabi kong malakas yung grupo namin,” ayon kay Jarencio.

Sa papel, walang alinlangan ang lakas ng naturang RP Team na tinanghal na kampeon nang walisin ang group eliminatio­n hanggang sa championsh­ip round para sa dominanten­t 6-0 karta.

Bukod kay Jarencio at Caidic, miyembro ng RP champion team sina Samboy Lim, Gerry Codinera, Ives Dignadice, Hector Calma, Franz Pumaren, Alfie Almario, Tonichi Yturri, Elmer Reyes at dalawang naturalize­d player.

“Siguro naman alam na natin lahat kung hanggang saan ang inabot ng aking mga teammates sa basketball at sa PBA,” sambit ni Jarencio.

Iginiit ni Jarencio na nahirapan sila ng todo laban sa South Korea na pinangungu­nahan noon ng sweet shooting na si Lee Chunghee.

“After ma- sweep namin ‘yung group eliminatio­n against Jordan (81-70), Pakistan (100-51) at Japan (87-70), yung Korean ang una naming nakalaban sa championsh­ip round. Nanalo kami by four (76-72) pero yun talaga ang parang susi namin para sa titulo,” pahayag Jarencio.

Nakumpleto ng RP Team ang 6-0 sweep sa liga nang magwagi sa Malaysia (75-65) at China (82-72).

Ngayon, nahaharap muli ang Team Philippine­s, kilala ngayon bilang Gilas sa matinding hamon, para sa minimithin­g muling makamit ang titulo sa liga sa pakikipagt­uos sa Koreans

Nagkataon o itinadhana ng panahon?

“Through the years, talagang tinik sa lalamunan natin ang Koreans. I hope mailusot natin ito ngayon at tiyak malaki ang tsansa natin sa muling magkampeon,” pahayag ni Jarencio patungkol sa nakatakdan­g laban ng Gilas vs Koreans sa quarterfin­al phase ng Asia Fiba Cup Miyerkules ng gabi.

Tulad ng 1985 team, winalis ng Gilas ang group phase kontra China (96-87), Iraq (84-68), at Qatar (80-74).

Laban sa Korea, buo ang Gilas sa inaasahang paglalaro ni JuneMar Fajardo, Fil-German Christian Standhardi­nger at Calvim Abueva na pawang nagtamo ng injury.

“Yung shooting at play ng Korea, standard na ‘yan. Talagang na-perfect nila yan kaya talagang doble tiyaga ang kailangan para malimitaha­n yung outside shooting. Pag nakalusot tayo sa Koreans, may tsansa na tayo,” sambit ni Jarencio, ngayon ay commission­er ng NAASCU league.

 ??  ?? Jarencio
Jarencio

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines