Balita

I will have my own downfall— Digong

- Nina GENALYN KABILING, BETH CAMIA, FER TABOY, at ARGYLL CYRUS GEDUCOS

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na walang “forever” sa pagiging presidente niya ng bansa, at aminado na mismong ang isinusulon­g niyang drug war ang maging dahilan ng kanyang “downfall” kapag natapos na niya ang kanyang termino.

Gayunman, sinabi niyang handa siyang makasuhan, malitis at mabulok sa bilangguan dahil sa mga pagsisikap niyang proteksiyu­nan ang bansa laban sa ilegal na droga.

“I know I will have my own downfall. I cannot be President forever,” sinabi ni Duterte sa okasyon para sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Malacañang nitong Miyerkules.

“I know that they will demand me to answer for all of this patay. Eh, ‘di okay lang kung ako ang ma-no bail,” dagdag pa niya.

Ito ang sinabi ng Pangulo makaraang purihin ang pulisya sa serye ng anti-drug operation sa Bulacan kamakailan na umabot sa 32 katao ang nasawi— ang pinakamara­mi sa loob ng ilang oras simula nang ilunsad ang drug war noong Hulyo 2016.

“’Yung namatay daw kanina sa Bulacan, 32, in a massive raid. Maganda ‘yun,” sabi ni Duterte. “Makapatay lang tayo ng mga another 32 everyday then maybe we can reduce what ails this country.”

Idinepensa naman ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang maramihang pagkamatay sa mga police operation sa Bulacan— gayundin ang pagkakapas­lang sa 25 sa 24-oras na operasyon ng Manila Police District (MPD) nitong Miyerkules hanggang kahapon—at iginiit na lehitimo ang mga ito.

“They are all legitimate operations. We support the police that operate against illegal activities, illegal drugs and other criminalit­ies,” sabi ni PNP Deputy Director General Ramon Apolinario.

Nangako naman ang PNP at ang Malacañang na magsasagaw­a ng patas at masusing imbestigas­yon sa nasabing mga operasyon ng pulis sa nakalipas na mga araw.

Samantala, matapos aminin ng Pangulo na hindi niya kayang resolbahin ang problema sa droga sa buong panahon ng kanyang termino, sinabi ni Duterte na handa siyang gawin ang lahat upang matuldukan ang suliranin.

“I will be able to solve the problem. Patayin ko lang ‘yan lahat,” ani Duterte. “You can prosecute me after or now, whatever. You can assassinat­e me. But it do not really help unless we are all—like persuasion na tapusin talaga natin ito for the next generation.”

Sakaling makulong, pabirong sinabi ni Pangulo na nais niyang mapiit sa tabi ng selda ni Senator Leila de Lima.

“Basta gusto ko ilapit ako doon sa kuwarto ni De Lima,” aniya.

Sa nasabing pagpupulon­g din ay ipinakita ni Duterte ang updated niyang “narco-list”, na ayon sa kanya ay pinakamara­mi pa rin ang mga alkalde, kasama ang ilang hukom, at iba pang mga opisyal mula sa Western Visayas, Regions 1, 2, at 3.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines