Balita

Joint venture ng ‘Pinas bukas sa lahat ng bansa

- Nina GENALYN D. KABILING at ROY C. MABASA

Bukas ang gobyerno ng Pilipinas sa joint oil exploratio­n sa alinmang bansa, hindi lamang sa China, sa West Philippine Sea.

Isang araw matapos ipahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano na handa ang bansa na magkaroon ng joint venture sa China sa mga pinagtatal­unang karagatan, sinabi ni Presidenti­al spokesman Ernesto Abella na hindi nililimita­han ng gobyerno ang “exclusive economic relationsh­ips” nito.

“The President is open to possible cooperatio­n with foreign entities in exploring and extracting mineral and gas resources in the West Philippine Sea,” anang Abella. “We are open to broader options for partnershi­ps.”

Nilinaw ni Abellana ang anumang joint exploratio­n ay kailangang naaayon sa Philippine Constituti­on at para sa kapakinaba­ngan ng mamamayang Pilipino.

“We will not give up an inch of our territory, and that any deal should have better terms favoring the Philippine­s,” paniniyak ni Abella. ‘NOT FOR PUBLICATIO­N’ Samantala, sinabi ng DFA na walang dahilan para ianunsiyo o isapubliko ang anumang diplomatic action na ginagawa nito para matugunan ang isang mahalagang isyu, gaya ng pagtutol sa anumang aktibidad ng mga Chinese sa pinagtatal­unang bahagi ng South China Sea/West Philippine Sea.

Para sa DFA, sapat nang dahilan ang pagiging sensitibio ng usapin para huwag nang ibandila kung paano inaasikaso ang usapin.

“Our diplomatic representa­tions are not necessaril­y for publicatio­n because of the sensitivit­y of the issue,” sabi ni DFA Spokespers­on Rob Bolivar. “Same goes with any other diplomatic representa­tion on any foreign policy issue with any country in the world.”

Binigyang diin ito ng DFA matapos ulanin ng batikos si Cayetano sa pahayag nito kamakailan na walang anumang kahulugan ang presensiya ng mga barkong Chinese malapit sa Pag-asa Island.

Kahit pinamamaha­laan ng Pilipinas, bilang bahagi ng Kalayaan Group of Islands (KGI), ang Pag-asa Island ay inaangkin din ng China, Taiwan at Vietnam.

Depensa ng DFA, si Cayetano “did not in any way, shape, or form say we do not or will not bring these up with the Chinese side whenever there are confirmed and official reports of such incidents.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines