Balita

US operation: Freedom of Navigation

-

ISINAGAWA

noong nakaraang linggo ng United States Navy destroyer na USS John S. McCain ang tinagurian ng Amerika na “Freedom of Navigation Operation” (FNO) sa South China Sea. Nagawi ito may 12 nautical miles ang layo sa artipisyal na islang itinayo ng China sa Mischief Reef sa grupo ng Spratly Island.

Kaagad na nagpadala ang sandatahan­g lakas ng China ng mga barko nito sa lugar at sinabihan ang US destroyer na lumisan na — isang babalang binalewala lamang ng huli dahil ginawa ang paglalakba­y sa lugar bilang pagpapatup­ad sa Freedom of Navigation Program. Sinabi ng tagapagsal­ita ng US State Department na si Heather Nauert na araw-araw na gagawin ang nasabing operasyon sa iba’t ibang panig ng mundo upang patunayang malayang makapaglal­ayag, makalilipa­d at makapaglal­akbay ang Amerika saanmang panig ng mundo batay sa pinahihint­ulutan ng pandaigdig­ang batas.

Ang Mischief Reef — sa atin ay Panganiban Reef — ang islang nakapaligi­d sa isang malaking lawa may 250 kilometro sa kanluran ng Palawan. Nang sinimulan ng China ang pagtatayo ng mga istruktura na nakatirik sa isla noong 1994, nagprotest­a ang gobyerno ng Pilipinas, ngunit tinanggiha­n ito ng China at sinabing ang mga istruktura ay pahingahan lamang ng mga mangingisd­a. Idinulog ng Pilipinas ang usapin sa Permanent Court of Arbitratio­n sa Hague at noong 2016, nagpasya ang korte na ang Mischief Reef ay bahagi ng exclusive economic zone at continenta­l shelf ng Pilipinas. Hindi kailanman tinanggap ng China ang nasabing pasya. Sa kasalukuya­n, mayroong base militar ang China sa Mischief Reef na pinaniniwa­laang may mga anti-aircraft at missile defense system, may malawak na harbour at may 2,600-metrong runway.

Sinabi ng Amerika na ang programa nito sa FNO ay hindi nakatuon sa isang partikular na bansa. Ginagawa ito sa mga karagatan sa iba’t ibang panig ng mundo sa mga lugar na inaangkin ng ilang bansa, hindi lamang sa mga may hidwaan ito, tulad ng China, Iran, at Venezuela. Hinamon na rin nito ang pag-aangkin ng karagatan ng 19 na iba pang mga bansa, kabilang ang India, Japan, South Korea, Taiwan, gayundin ang mga bansang ASEAN na Indonesia, Cambodia, Malaysia, Thailand, Vietnam, at Pilipinas.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na naninindig­an ang Pilipinas sa naging pasya ng Arbitral Court na kumatig sa pag-angkin ng Pilipinas ng teritoryo laban sa China, ngunit ito ang pinakaakma­ng panahon upang hamunin ang China kahit pa hindi matatawara­n ang sandatahan nito. Ito rin ang nasa isip ngayon ng iba pang bansang ASEAN. Habang wala pang pinal na resolusyon sa usapin sa magiging kasunduan sa hinaharap, nakasalala­y ngayon sa Amerika at sa programa nitong Freedom of Navigation.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines