Balita

Maipagkaka­tiwala ang buhay ng pamilya sa ‘Brio’

- Dave M. Veridiano, E.E.

MARAMING nagsasabi na ang aksidenten­g naganap sa Mindanao Avenue sa Quezon City nito lamang Martes ng hapon ay maituturin­g na milagro ang pagkakalig­tas ng apat sa limang miyembro ng pamilya na sakay sa isang bagong kotse na halos napitpit ng dambuhalan­g cement mixer na dumagan dito.

Para ko nang nakikinita ang bilis ng nakadisgra­syang cement mixer ay katulad din ng mga humahagibi­s na truck ng semento na madalas kong makasabay sa lugar ding ito sa Mindanao Avenue – kapag sinisigawa­n ko ang mga drayber nito sa pagiging reckless, ang ganting sigaw palagi nila sa akin ay “pagbigyan mo na kami baka tumigas ang kargamento naming bagong halong semento!”

Sa tingin pa lamang at usapusapan ng mga taong nasa paligid at nakikiusyo­so sa rescue operation na isinasagaw­a ng mga taga-Metro Manila Developmen­t Authority (MMDA) at mga boluntaryo­ng tumulong sa aksidente na mga taga-Bureau of Jail and Management Penology (BJMP) – milagro na maituturin­g na may nakaligtas sa limang sakay ng Honda Brio na parang tansan ng softdrinks na nayupi sa cement mixer na kargado ng tone-toneladang semento.

Ngunit habang isa- isa nang inilalabas ang mga sakay ng Honda Brio, na ang dalawa sa mga ito ay paslit, nagpalakpa­kan ang ‘ di makapaniwa­lang mga miron sa paligid na halos sabay-sabay sa pagsasabin­g – “milagro” at “praise God” – na may kasabay pang malakas na palakpak at hiyawan na tanda ng kanilang kasiyahang buhay pa ang mga nadisgrasy­a.

Sa limang sakay ng Honda Brio, isa ang idineklara­ng patay sa ospital, limang oras matapos ang aksidente. Siya ay si Ulysses Ramos, 34, ang driver at ama ng pamilyang sakay ng kotse. Patuloy namang nagpapagal­ing ang kanyang misis na si Marife, 35; at ang tatlo nilang anak na sina Eulaiza, 12; Eugene, 8; at Enrico, 4.

Marahil kung hindi naging maagap ang mga taga-BJMP at ang mga operatiba ng MMDA, mas maraming buhay ang naputi… SALUDO ang IMBESTIGAD­aVe sa mga katulad ninyong taong gobyerno na ‘di tutulug-tulog sa sinumpaang tungkulin para sa bayan -- MABUHAY kayo!

‘ Di makatkat sa aking isipan ang paghangang narinig ko mula sa dalawa kong kaibigang mechanical engineer na nadaanan at nakiusyoso sa aksidente – papuri hindi para sa mga rumesponde­ng BJMP at MMDA, bagkus sa nagdisenyo ng Honda Brio na bagamat maituturin­g na isang “compact car” ay ‘ di bastabasta bumigay sa tone-toneladang bigat ng nakadagang cement mixer kaya nagkaroon pa ng pagkakatao­ng makaligtas ang iba pang sakay nito.

Maaari na raw nilang ipagkatiwa­la ang buhay ng kanilang pamilya sa kotseng ito na kahit maliit ay matatag at siguradong kayang ipaglaban ang buhay ng mga nakasakay dito.

Kuwento nila, sa ibang aksidente na kanilang nasaksihan tulad nito ay ‘di ...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines