Balita

Itigil na ang pagpatay

- BULONG AT SIGAW Ric Valmonte

INAMIN na ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya masusugpo ang ilegal na droga sa loob ng kanyang termino. Kaya, asahan na ng mamamayan na patuloy ang droga at pagpatay habang siya ang pangulo. Napaniwala niya ang taumbayan noong panahon ng kampanya na magagapi niya ang krimen at droga sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan.

Sa pagdaan ng panahong kanyang itinakda, humingi siya ng palugit.

Ngunit, hindi naman siya naglubay sa pakikidigm­a sa ilegal na droga na kanyang sinimulan ng manungkula­n. Halos araw-araw ay may napapatay at parami nang parami ang mga ito sa paglipas ng mga araw. Katunayan, banner headline ng isang pahayagan ang ulat na 21 drug suspect ang napatay sa loob ng siyam na oras sa magkakahiw­alay na operasyon sa Bulacan nito lamang Martes. “Normal lang ito,” ayon kay PNP Spokespers­on Dionardo Carlos, “dahil bunga ito ng maraming operasyon.”

Noong una, pinaniwala ni Pangulong Digong ang sambayanan na sa karagatan pinaluluso­t ng mga drug trafficker ang ilegal na droga. Aniya, inihuhulog nila ang shabu sa baybay-dagat ng bansa at dito kinukuha ng kanilang mga kasapakat. Kaya umano may kahirapan na masawata ang droga. Pero, hindi na sa ganitong paraan naii-smuggle ang shabu sa bansa. Ang P6.4-bilyong shabu na nasamsam sa isang warehouse sa Valenzuela City ay mismong sa Bureau of Custom (BoC) pumasok. Sa laki ng halaga ng shipment ay nalula ang mga mambabatas kaya nagsagawa sila ng imbestigas­yon.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ni Senador Richard Gordon nitong nakaraang Martes, bukod sa P6.4- bilyong shabu, inihayag ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) at ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) na may mas malaki pang shabu shipment na nasamsam sa San Juan noong Disyembre ng nakaraang taon. Anila, naipuslit ito sa BoC. Inaalam ngayon ng NBI kung ang nahanap nilang pake-paketeng shabu sa inabandona­ng town house sa Sampaloc, Maynila ay kasama ng P6.4 bilyong shabu na natunton sa Valenzuela City.

Sa pagtatanon­g ni Sen. Trillanes, inamin ni BoC Commission­er Faeldon na may kurapsiyon sa kanyang ahensiya. Nagbibigay ng tara ang mga brokers sa mga opisyal at empleyado ng BoC sa bawat shipment na lumalabas dito. Ang P6.4-bilyong...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines