Balita

Gitgitan sa pamunuang pulitikal

- Johnny Dayang

KUNG mayroon mang bansang hindi kailanman nagkukulan­g ang bilang ng mga “political parties”, ‘yun ay Pilipinas. At maliwanag na pahiwatig ng katotohana­ng ito ang kasalukuya­ng malawakang “recruitmen­t” na isinasagaw­a umano ng PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Balita ngayon na maraming barangay chairman na napipinton­g tanggalin sa kanilang tungkulin kung ang halalang pang-barangay at SK ay ipagliliba­n sa Mayo 2018, ang nagsisiksi­kan na masali sa PDP-Laban.

Ang Liberal Party (LP) naman, na tila wala sa kundisyon ngayon, ay nagkaroon ng bagong pamunuan sa ilalim ni Vice President Leni Robredo na inaasahang kikilos na rin nang puspusan para palakasin ang kanilang hanay.

Sa kasalukuya­ng takbo ng mga pangyayari ngayon, walang dudang lalamang ang PDP-Laban sa midterm elections sa 2019. Gaya ng nabanggit sa una, ang matibay na indikasyon nito ay ang malawakang recruitmen­t ng mga lider ng barangay para lalong palakasin ang partido sa mga pamayanan.

Naiulat na inaakit ngayon ng PDP- laban ang mga barangay chairman sa pamamagita­n ng libreng biyahe sa Maynila sa Agosto 29 para sa kanilang panunumpa. Mula sa unang distrito lamang ng Davao del Norte, mga 105 barangay lider na umano ang nakatakda nang pumunta sa Maynila.

Tiyak na malaki ang gastos sa biyaheng ito. Kailangang sagutin ang kanilang mga tiket sa eroplano, ang kanilang hotel o pansamanta­lang tirahan, allowance, at iba pang gastusin. Kung saan manggagali­ng ang salapi para rito, kailangang ipaliwanag ito ni House Speaker Pantaleon Alvarez, na tatakbo umano sa pagkasenad­or, sa sandaling magtanong ang bayan.

Sa kabilang dako, kailangan munang kumpunihin ng LP ang kanilang partido at buuing muli ang dati nilang lakas. Maraming miyembro nito ang lumipat sa PDPLaban, ngunit inaasahang babalik uli ang mga iyon kapag may pagbabago na sa balanse ng kanilang partido.

Karaniwan na sa lokal nating pulitika ang pag- aagawan sa pamunuan ng partido. Kaiba sa ibang bansa kung saan dalawang dominanten­g bloke lamang ang mayroon, sa Pilipinas ang isyu ng “partisan loyalty” ay parang...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines