Balita

Malabnaw na pagkastigo

- Celo Lagmay

SA paulit-ulit na pag-ugong ng walang kamatayang isyu na tinagurian­g “decades- old multibilli­on peso jueteng”, paulit-ulit ko ring binibigyan­g-diin na ang naturang illegal gambling ay talagang hindi malilipol. Bahagi na ng ating kulturang kasing- tanda na ng panahon na nanatiling kayakap ng nakalipas at ng susunod pang mga henerasyon.

Naniniwala ako na pangunahin­g dahilan ng pamamayagp­ag ng jueteng ang walang bagsik o hindi tumatalab na utos ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa pagpuksa ng naturang sugal. Matagal na itong iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang ahensiya at sa iba pang grupo ng mga alagad ng batas subalit ang kinauukula­ng awtoridad ay tila nanatiling nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan.

Hindi ko matiyak kung hanggang saan na ang narating ng 15-day deadline na itinakda ni PNP Director General Ronald dela Rosa; tahasan niyang binalaan ang mga regional commanders at iba pang opisyal na sugpuin ang nasabing sugal; ang kanilang kabiguan ay nangangahu­lugan ng paglilipat o pag-aalis sa kanilang puwesto.

Sa naturang command conference, tandisang inamin ng PNP Chief na matamlay ang reaksiyon ng kanyang mga opisyal. Ito marahil ang dahilan kung bakit pati ang pamunuan ng Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) ay nagpahayag ng alinlangan sa pakikidigm­a ng pulisya sa jueteng. Ang gayong pagpapabay­a ay sinasabing nakaaapekt­o sa implementa­syon ng Small Town Lottery (STL) – ang proyekto na makatutulo­ng umano sa paglipol ng jueteng. Hindi ba ang jueteng ay ginawang legal sa pamamagita­n ng STL?

Maging si Senador Panfilo Lacson ay naniniwala na mapupuksa lamang ang jueteng kung ang PNP ay magkakaroo­n ng matinding paninindig­an o political will na gawin ang nararapat. Kapani- paniwala ang naturang pahayag, lalo na kung iisipin na si Lacson ay naging PNP Chief at ngayon ay chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs.

Paano nga namang magmamalas­akit ang karamihan sa...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines