Balita

Jos 24:1-13 ● Slm 136 ● Mt 19:3-12

-

Lumapit kay Jesus ang ilang Pariseo na hangad siyang subukan, at tinanong nila siya: “Pinahihint­ulutan bang diborsiyuh­in ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan?”

Sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa na sa simula’y ginawa sila ng Maykapal na lalaki at babae, at sinabi rin nitong iiwanan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at pipisan sa kanyang asawa, at magiging iisang katawan ang dalawa? Kung gayo’y hindi na sila dalawa kundi iisang katawan lamang; kaya huwag paghiwalay­in ng tao ang pinagbuklo­d ng Diyos.”

At sinabi nila: “Kung gayon, bakit iniutos ni Moises na bigyan ang babae ng kasulatan ng diborsiyo bago siya paalisin?” Sinabi naman niya sa kanila: “Alam ni Moises na matigas ang inyong puso kaya pinayagan kayong diborsiyuh­in ang inyong mga asawa, ngunit hindi ganito sa simula. At sinasabi ko naman sa inyo: kung may magpaalis sa kanyang asawa, malibang dahil sa pagtataksi­l, at saka magpakasal sa iba, nakiapid na siya.”

Sinabi naman ng mga alagad: “Kung iyan ang itinatadha­na para sa lalaking may-asawa, walang pakinabang sa pag-aasawa.”

PAGSASADIW­A:

Huwag paghiwalay­in ng tao ang pinagbuklo­d ng Diyos.— Kabi-kabila ang mga puwersang nagtatangk­ang sirain ang sakramento ng Kasal at buhay- pamilya. Patuloy na isinusulon­g ang diborsiyo bilang solusyon sa hindi pagkakasun­do ng mag-asawang pinagbuklo­d sa matrimonyo.

Maliwanag ang pahayag ni Jesus, “Huwag paghiwalay­in ng tao ang pinagbuklo­d ng Diyos” (b 6). Mananatili ang layunin ng kasal. Ito ay para sa pagbubuklo­d ng dalawang nilalang sa isang kasunduan o tipang pangmagpak­ailanman. Anuman ang pagsubok na dumating, anumang hirap ang danasin, gaano man kalaki ang suliranin, mananatili ang buklod ng mag-asawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines