Balita

Christian Bables, willing ipakita ang lahat-lahat

- Ni REGGEE BONOAN

NAKORNER si Christian Bables ng entertainm­ent press, sa kanyang launching bilang isa sa mga alaga ng bagong talent management arm ng IdeaFirst Company, nang tanungin kung bakit niya tinanggap ang role niya sa I Finally Found Someone bilang sidekick ni John Lloyd Cruz.

Ang layo kasi ng karakter niya bilang si Barbie o Barbs na best friend ni Paolo Ballestero­s sa Die

Beautiful na nagbigay sa kanya ng Best Supporting Actor sa iba’t ibang award-giving bodies.

Sa madaling sabi, hindi markado o walang recall ang karakter ni Christian sa pelikula nina Lloydie at Sarah Geronimo. o. Alam ba ni Christian na ganu’n lang ang role niya ya sa I Finally Found Someone?

“’Yung sa original story po, iba, ‘kaso nagbagu-bago po ng script. Nu’ng pinitch po sa amin ‘ yung character ko, maganda naman po and John Lloyd-Sarah po ‘yun, so medyo na-starstruck po, kaya tinanggap po namin.

“Eh, since nagbagu-bago ng script, hindi na po nasunod ‘yung pinitch sa akin na story, pero masaya naman po ako,” pag-amin ng baguhang aktor.

Nagugustuh­an ng press ang walang prenong pagsagot ni Christian sa mga tanong, tulad nang tanungin siya kung may frontal nudity siya sa bagong pelikula niya na idinirihe ni Direk Chito Roño.

“Wala pong frontal, pero kita po ‘ yung p’wet ko,” kaswal niyang banggit.

Bakit kailangan niyang magpakita ng puwet sa pelikula?

“Parang coming of age po na mayroon akong girlfriend doon na parang last na naming pagkikita so nag-do po kami ng girlfriend ko. Bale first and last po naming pagdo-do,” seryosong kuwento ng binata. “Probinsyan­o po kasi ako,” dugtong niya, “’tapos sumunod ako ng Manila kasi sa Manila nagtatraba­ho ‘ yung girlfriend ko, so iyon po ang last naming pagkikita kaya sa bahay po niya kami nagganu’n. So, doon po kami nag-do.” Ano naman ang relevance ng puwet sa istorya? “Eh, kasi po nagdo-do!” walang malisya at kaswal uling sagot ng aktor na ikinaaliw ng press. Kung may offer na magpakita siya ng lahat-lahat, okay lang ba kay Christian? “Opo, depende po siguro sa istorya at sa direktor ko, siguro po that’s how I love my craft. Sobra ‘yung passion ko po sa acting, sobrang umaapaw po. So kung ano po ‘yung tunay na nangyayari sa buhay, willing po akong gawin,” sagot niya. Bukod sa kaliwa’t kanang pelikula, may TV project si Christian, ang Born Beautiful na mapapanood sa Cignal Cable TV spin-off ng Die Beautiful kaya gagampanan uli niya ang karakter niyang si Barbie. Magsisimul­a pa lang ang shooting nito sa Setyembre. “Namatay na po kasi si Trishia (ginampanan ni Paolo Ballestero­s) kaya kuwento naman ni Barbie itong Born Beautiful, bale spin-off po,” saad nito. Ang Ideafirst Company ang nagbigay ng break kay Christian sa pelikulang I Love You To Death nina Kiray Celis at Enchong Dee na sinundan ng Die Beautiful.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines