Balita

Alden, sinimulan na ang Martial Law docu-drama

Bianca, Rocco, Alden, Gina Boni at Direk Adolf Alix

- Ni NORA CALDERON

WALA yata sa bokabulary­o

ni Alden Richards ang salitang pagod at jet lag. Pagkatapos ng GMA Pinoy TV show niyang “Fiesta Ko Sa Texas” last Sunday, 16 hours ang travel niya from Houston, Texas to LAX Airpot in Los Angeles, to the Philippine­s. Gabi ng Martes siya dumating. Labintatlo­ng oras ang difference ng Texas sa Pilipinas, kaya kung gabi roon, araw dito.

Pero balewala ang pagod at jet lag kay Alden. Nag- report agad siya sa “Juan For All, All For One” segment ng Eat Bulaga kinaumagah­an ( Miyerkules), kaya nang biruin siya ni Vic Sotto kung nakatulog na siya, sagot niya, “’Di pa, Bossing, ayaw pang magtama ang oras ko.”

Tulad ng sinabi niya sa press conference sa Houston, gustuhin man niyang mag-extend ng stay pa para makapasyal dahil first time niyang makarating doon, kailangan na niyang bumalik ng Pilipinas dahil may gagawin siyang documentar­y para sa paggunita sa 45th year ng Martial Law. Kaya pagkatapos ng Eat

Bulaga, diretso na si Alden sa GMA Network para sa look test, pictorial niya at ng mga makakasama niya sa docu-drama ( Alaala ang title) na ipu-produce ng GMA News & Public Affairs.

Tatalakayi­n nila ang mga pangyayari nang ibagsak ang Martial Law noong September 21, 1972. Ang pagbabalik-tanaw sa pamamagita­n ng sinulat ni

Bonifacio P. Ilagan sa mga nangyari noong Martial Law, na isa siya sa mga biktima. Si Boni ay isang Carlos Palanca Memorial awardee at mahusay na screenwrit­er.

Script-reading ang sumunod sa pictorial, ipinaliwan­ag ni Direk

Adolf Alix Jr. ang documentar­y at ang roles na gagampanan nina Alden, Rocco Nacino, Bianca

Umali at Ms. Gina Alajar. Kahapon, nagsimula na ang kanilang taping. Wala pang definite date ang airing ng documentar­y, pero sa Setyembre na siyempre ito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines