Balita

Mag-Asawa'y 'Di Biro

Ika-94 na labas

- R.V. VILLANUEVA

NOONGgabin­g iyon, kahit walang namagitang paliwanaga­n, nararamdam­an ni Deth na alam na ni Efren na wala siyang ano mang problema. Ipinaramda­mn niya iyon sa pamamagita­n ng gawa.

Hindi na si Efren ang kailangan magtanong kung may problema pa siya. Maaga silang “natulog”. Gusto pang manood ni Efren ng basketball sa TV dahil may laban ang paborito nitong koponan, hindi na siya pumayag.

Pagkakain nila ng hapunan, aniya: “Fertile ako ngayon. Baka ito na ang tamang panahon.”

Alam niyang alam ni Efren ang ibig niyang sabihin. Hindi lang naman si Efren ang gusto nang magkaanak kundi siya man. Aywan nga lang kung bakit hindi pa sila makabuo. “Hindi ba ngayon ang laro ng…” Hindi na niya pinayagang matapos ang sasabihin ni Efren. Niyakap niya ito. Ipinadama niyang manipis na pantulog lang suot niya. “Wala kang…” si Efren. “Kanina pang alas singko pagkatapos kong maligo. Sagabal pa, e.” Sinundan niya ng malanding hagikgik.

Ang pagtataka ni Efren na magtungo sa sala para manood ng TV ay napaliko sa kanilang kuwarto.

Wala nang namagitang usapan. Puro na lang aksiyon. Pagkapasok na pagkapasok sa kuwarto, itinulak na niyang pasara ang pinto. Singbilis din ng kidlat, naihagis niya ang kaisa-isa niyang saplot. Siya na rin ang kusang nag-alis ng mga saplot ni Efren. At nang maging Adan na si Efren, may hinuli siyang patay na unti-unting nabuhay.

Si Efren na ang nagtuloy ng natira pang aksiyon.

“Hindi mo man sabihin,” sabi ni Efren. “Alam kong tapos na ang problema mong hindi mo gusting sabihin.”

“Uulitin natin, ha?” Muli, yumapos siya kay Efren. Humagodhag­od ang isang kamay niya sa tiyan nito. Humagod-hagod pababa.

“Hindi ko na itatanong kung ano talaga ang naging problema mo, love. Pero alam kong darating din ang time na sasabihin mo ‘yon. At handa kitang pakinggan, ano mang oras.”

DUMAAN ang ilang araw. Ngayong wala nang problema si Deth, nagbalik na ang routine sa kanyang buhay. Ang routine bago dumating ang problema ni Deth bago sila magbingo ng kaibigan niyang si Precy.

At nasa kanya na uli ang dating pagkabagot sa paghihinta­y ng kayhahaban­g mga oras sa buong maghapon. Kamusta na kaya ang kumareng Precy niya? Buhat noong kusang malutas ang mga problema niya, pinilit niyang mag-stay sa bahay. Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya magbibingo. Hindi muna niya pupuntahan si Precy. Paano kung akitin uli siya nito para magbingo.

Pangatlong araw, umaga, mula nang matapos ang kanyang problema, matindi ang kanyang pag-iisip. Nasaan kaya ngayon si Precy? Siguro, patuloy na nagbibingo. Sarap naman!

Akala namin, hindi ka na magbibingo? Talaga namang hindi, a. Kahit maglupasay pa sa harap ko ang kaibigan kong Precy, sasabihin ko: Pasens’ya ka na, mare… isinumpa ko na ‘yang bingo. Peks man!

Nang buhat sa pagkakaupo sa sofa, sa harap ng hindi naman naka-on na telebisyon, nakita niyang nabuksan ang hindi naman nakasusi pero nakasarang pinto. At lumitaw doon si Precy.

“Ikaw pala, mare,” sabi ni Deth. “Ginulat mo naman ako.” Tawa. “Hindi man lamang kumakatok, e.”

Tawa rin ang Precy. “Gusto mo, mare… sa labas uli ako at kakatok ako at pag hindi ka na nagulat, saka ako papasok?” Itutuloy…

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines