Balita

Capadocia at Arcilla, wagi sa Olivarez tilt

-

WALA man sa National Team, ipinamalas ni Marian Jade Capadocia ang kakayahan para patunayan na siya ang reyna sa Philippine tennis nang gapiin si National mainstay, Khim Iglupas, 6-3, 7-6(5) para makopo ang women’ single title ng Olivarez Cup Open Tennis Championsh­ip nitong Miyerkules sa Olivarez Sports Center sa Sucat, Parañaque.

Tinuldukan ng 21-anyos na si Capadocia, pambato ng San Jose, Antique at miyembro ng Arellano University, ang tatlong taong pamamayagp­ag ni Iglupas sa torneo na nagsisilbi­ng pre-season para sa kampanya sa Sea Games.

Hindi napabilang si Capadocia, suportado ng Dunlop, USANA at Peakform, sa RP Team nang alisin sa line-up nang nakaalitan ng kanyang ina na si tennis secretary-general Romeo Magat.

“Gusto ko lang patunayan na kaya kong maglaro sa mataas na level at hindi ako nagpapabay­a sa training na tulad nang sinasabi nila,” sambit ni Capadocia, nagdesisyo­n na maglaro na lamang sa ITF Tour sa abroad sa tulong ng Philippine Sports Commission.

Napanatili naman ni Johnny Arcilla ang titulo sa men’s division nang pabagsakin si Eric Olivarez Jr., miyembro ng Western Michigan University, 6-4, 6-2.

Ito ang ikaapat na titulo sa huling limang season ng torneo ni Arcilla.

Malaking dagok kay Olivarez ang kabiguan matapos magwagi sa matitikas ding sina fourth seed Vicente Anasta, No. 5 Leander Lazaro, at second seeded PJ Tierro sa semis.

 ??  ?? TANGAN nina Arcilla at Capadocia ang tropeo nang magwagi sa Olivarez Cup.
TANGAN nina Arcilla at Capadocia ang tropeo nang magwagi sa Olivarez Cup.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines