Balita

Kampeon ang BaliPure

- Marivic Awitan

SA loob ng dalawang taon, nakapagtal­a ang koponan ng Pocari Sweat ng tatlong kampeonato para makabuo ng ‘dynasty’ sa volleyball.

Ngunit, sa pagkakatao­ng ito, nasa likuran sila nang nagdiriwan­g na BaliPure.

Nakumpleto ng Water Defenders ang dominasyon sa Pocari Sweats sa natipang 25-20, 19-25, 25-23, 26-24, panalo sa Game 2 ng kanilang best-ofthree title series sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference nitong Miyerkules sa The Arena sa San Juan.

“Nung nag-umpisa kami, we almost didn’t make it to the semis. Nung nanalo kami sa Pocari, dun lang kami pumasok,” pagbabalik-tanaw ni Purest Water Defenders coach Roger Gorayeb. “Pagpasok ng semis, we lost the first game, again the girls persevered. Pagdating ngayon, iba na yung karakter nila.”

Nagtala si Grethcel Soltones, ang nag -iisang player na natira sa original na Bali Pure noong 2016, ng 21 puntos, tampok ang 17 hits, tatlong aces, at isang block.

Bunga nito, tinanghal na Finals Most Valuable Player, ang 21- anyos na dating standout ng San Sebastian College na naunang umiskor ng 14-puntos sa kanilang straight sets win sa Game 1.

“Masaya siyempre kasi pinaghirap­an namin ito as a team. As a team din, marami kaming pinagdaana­n,” pahayag ni Soltones, matapos muling makatikim ng kampeonato na huli nyang nalasap noong 2015 sa Reinforced Conference para sa koponan ng PLDT Home Ultera Ultra Fast Hitters.

Sa likod ng nasabing outstandin­g performanc­e, ang tiwalang ibinigay sa kanya ni Gorayeb.

“Alam mo naman si Grethcel e, kahit sigawan ko, makikinig at makikinig. Tulad ng third set, hinabol kami, sabi ko, simple lang yan, kung nakita mo, i-drop mo. Yun na nga yung nangyari,” wika ni Gorayeb.

Maliban kay Soltones, tinutukan din ni Gorayeb na mailabas at mabigyan ng karakter ang koponan sa pangunguna ng kanilang core na kinabibila­ngan nina Aiko Urdas ,middle blocker Risa Sato at setter Jasmine Nabor.

 ?? RIO DELUVIO ?? SAYA-SAYA! Nagdiwang sa center court and BaliPure nang pagwagihan ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference laban sa defending champion Pocari Sweats nitong Miyerkules.
RIO DELUVIO SAYA-SAYA! Nagdiwang sa center court and BaliPure nang pagwagihan ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference laban sa defending champion Pocari Sweats nitong Miyerkules.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines