Balita

Maliit na gloves, gamit sa Floyd-Conor fight

-

LAS VEGAS (AP) – Tinugunan ng promoter ang hiling nina Floyd Mayweather Jr. at Conor McGregor sa paggamit ng mas maliit na gloves sa kanilang laban sa Agosoto 26 dito.

Sinabi ng Nevada boxing regulators nitong Huwebes na binigyan nila ng exemption sa rules ang dalawa para magamit ang 8-ounce gloves kumpara sa regular na 10-ounce gloves.

Pinangalan­an din bilang referee sa pinakasika­t na duwelo ng taon si veteran referee Robert Byrd.

Iginiit ni Commission Chairman Anthony Marnell na kumportabl­e ang kanilang hanay sa paggamit ng maliit na gloves, ngunit hindi umano niya naibigan ang paggamit sa isyu ng dalawang kampo para mabenta ang kanilang supply.

“I do not like the Nevada State Athletic Commission being used as a pawn in a social media battle,” pahayag ni Marnell.

“I believe now that gloves are eight ounces I don’t believe he makes it out of the second round,” sambit ni McGregor.

“I do not see him absorbing the blows in the first two rounds.”

Sinabi naman ni Leonard na bentahe kay Mayweather ang maliit na gloves para patulugin si McGregor.

“The fight is going to end in a knockout, I’m very confident,” sambit ni Ellerbe. “And it will probably be early.”

Pinangalan­an din ng Commission sina Burt Clements at Dave Moretti ng United States at taly’s Guido Cavalleri bilang mga hurado.

 ??  ??
 ??  ?? SAGOT KAHAPON MADALI
SAGOT KAHAPON MADALI

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines