Balita

‘Shoot-out’ sa Lebanon: Gilas, timbuwang

-

NAKIPAGPAL­ITAN ng bilis, katatagan at gilas sa three-point shooting ang Gilas Pilipinas. Ngunit, ang kikig ay panandalia­n lamang.

Sa isa pang pagkakatao­n, ang sumpa ng Koreans ay muling nagiwan ng pasakit sa Pinoy basketball fans.

Sa nakatutuli­rong ‘run-and-gun’ play, napalobo ng South Koreans sa double digit ang agwat sa Gilas Pilipinas tungo sa makasirang-morale na 118- 86 panalo sa quarterfin­al knockout match ng 2017 Asian Fiba Cup Huwebes ng gabi sa Nouhad Nawfal Stadium sa Beirut, Lebanon.

Nagawang walisin ng Gilas ang four-team group eliminatio­n, tampok ang panalo sa defending champion China, ngunit, nag-iba ang ihip ng hangin gayundin ang damdamin ng sambayanan nang mabigo ang Gilas na matapatan ang bilis at outside shooting ng Koreans para sa isa pang hindi malilimot na pahina sa kasaysayan ng Asian basketball.

Naisalpak ng Koreans ang 17of21 sa three-point area para sa 76.19 porsiyento, higit na mas mataas sa kanilang two-point field goal (62.22%) at sa free-throw line (63 .64%).

Sa kabuun, naitala ng Koreans ang 66.67 percent sa field goal at 20 assists na bentahe sa Gilas, 34-14, at 34-30 sa rebound.

Bunsod ng panalo – ikaapat na sunod ng Koreans matapos ang kabiguan sa Lebanon sa pagsisimul­a ng liga – nakausad ang Sokor sa semifinals at makakahara­p sa semifinals ang mananalo sa pagitan ng Pool A topnotcher at 2013 champion Iran at Lebanon.

Laglag naman ang Gilas sa classifica­tion phase. Iskor: Korea (118) -- Oh 22, S. Kim 21, J. Kim 15, S. Lee 14, J. Lee 11, Park 9, Choi 9, Heo 9, Hyang 5, Jeon 3, Lim 0

Philippine­s ( 86) - Romeo 22, Standhardi­nger 17, Pogoy 12, Castro 11, Aguilar 7, Wright 6, Abueva 2, Fajardo 2, Almazan 2, Jalalon 0, Cruz 0

Quartersco­res: 26-18, 57-49, 86-62, 118-86

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines