Balita

Ella at Julian, pamalit sa JaDine?

- Ni REGGEE BONOAN

SINUSUNUD-SUNOD ng Viva Films s ang pagpapalab­as ng mga pelikula dahil inspired si Boss Vic del Rosario sa malaking kinita ng Kita Kita na hindi lang pala siya distributo­r kundi sumosyo rin as producer. Kaya hindi lang ang porsiyento as distributo­rtributor ang magiging parte ng Viva big boss sa Kita Kita kundi i equal sa hatian ng Spring Films producers na sina Piolo Pascual, Erickson Raymundo at Joyce Bernal. Kaya totoo ang sinulat ng bossing naming si DMB, Viva Films ang m malaki ang kinikita a sa pagtabo ng dalawang blockbuste­r movies bago sumalang malang sa mga sinehan ang entries sa Pista ng Pelikulang g Pilipino (PPP) dahil kasosyo rin siya (50-50 ang hatian) ng Star Cinema sa pelikulang I Finally Found Someone. At ngayon, number one sa PPP ang Viva produced na 100 Tula Para Kay Stella nina JC Santos at Bela Padilla

At dahil naniniwala si Boss Vic na suwerte sa kanya ang third quarter ng 2017, ipapalabas­alabas na rin sa Setyembre 6 ang pelikulang Fangirl/Fanboynboy nina Julian Trono at Ella Cruz mula sa direksiyon ni i Barry Gonzalez line produced ng Joyce Bernal Production ion for Viva Films at N2 Production­s.

Gagampanan ni Julian ang karakter na OllieOlli FernandezF d na sobra ang bilib sa sarili at nababaliw bilang tagahanga ng Korean actress na si oo Mi Young ( Yam Concepcion) sa koreanovel­ang Program for Love.

Official dubber ni Soo Mi Young naman ang gagampanan­g papel ni Ella bilang si Aimee. Kasama rin ang singer/actor na si Ronnie Liang sa pelikula bilang si Min Jun Park, Korean actor na ka-love team ni Soo Mi Young. Obserbasyo­n ng mga dumalo sa presscon ng Fangirl/Fanboy, bagay kay Julian na maging Korean actor dahil sa K-Pop star pumorma at sa mata niyang medyo singkit. May nagtanong kung sina Julian at Ella na ba ang susunod sa yapak ng JaDine ( James Reid at Nadine Lustre). Ayon kay Ella, mahirap sundan dahil sobrang taas na nina James at Nadine pero masaya sila dahil ganu’n pala ang tingin sa kanila Julian ni

Natanong din si Ella tungkol sa intrigang pinalabas daw niya sa dressing room ang beauty queen na si Ganiel Krishnan sa Miss Manila pageant. Hindi raw kasi feel ng aktres na may iba siyang kasama sa dressing room. Agad itong sinangga ni Ella at sinabing klinaro na ni Krishnan na hindi siya ‘yung tinutukoy na nagmaldita. “Sa totoo lang po, hindi po talaga ako ‘yon. Kasi po, dressing room ko po, kami pong dalawa (ni Julian) magkasama. ‘Tapos, buong P-Pop Generation­Gener po, magkakasam­a. Mga bagong group of talents po ‘yon (ng Viva). So, siguro nasa bente kami sa isang ganito kaliit na dressing room. “And hindi ko po siya (Ganiel) nakita nu’ng gabing ‘yon. Sa totoo lang, hindi ko po siya nakita nu’ng gabing ‘yon at nagulat ako na merong lumabas na ganu’ng isyu. “Kasi, sabi ko, ‘Bente kami, ipagdadamo­t ko pa ba ‘yung isang tao na gustong makipagsik­sikan sa akin?’ “Hindi po ako ‘yon at saka alam ko na she tweeted na hindi ako ‘yon. Kasi, hindi naman talaga ako,” klarong sabi ni Ella. Nadamay na rin ang ina ng akres at nabanggit na hinaharang daw ang mga makakasama niya sa dressing room. Hindi ba feel ng aktres na may kasama siya? “Gusto ko nga po na may kasama, eh. Para meron po akong bagong kaibigan,” saad ng dalaga. “At saka ako, hindi naman po ako ganu’ng klaseng tao na gusto ko isolated lang. Tama ba? Na ako lang magisa? Mas gusto ko na meron akong nakakausap. Hindi po totoo ‘yon.” May epekto ba kay Ella halimbawan­g super blockbuste­r ang Fanboy/ Fangirl? May mababago ba sa ugali niya. `Yun naman po ang sinasabi sa bawat artista, maldita po, eh. Pero hindi naman po natin maiiwasan ‘yon. At saka ako, sinabi ko na rin po sa lahat ng taong nakapaligi­d sa akin, hindi ako magbabago. “At kung darating man sa point na ‘yon, puwede n’yo akong batukan. Puwede n’yo akong saktan. Oo, kung gusto n’yo! Kasi ako, ang tagal ko na po dito sa showbiz, natutuwa po ako sa mga sobrang malalaki nang artista na ang dami nang na-achieve sa buhay pero mapagpakum­baba pa rin. “Kasi, doon mo makikita na naa-appreciate nilang tunay ‘yung mundo na ginagalawa­n nila at lalung-lalo na ‘yung mga taong tumutulong sa kanila para paangatin sila. “So, ako po, alam ko sa sarili ko, napalaki ako nang maayos ng mga magulang ko at hanggang ngayon, nandiyan pa rin po sila at gagabayan nila ako. At ang dami po masyadong nagmamahal sa akin para po magmaldita ako,” mahabang paliwanag ni Ella.

 ??  ??
 ??  ?? Ella at Julian
Ella at Julian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines