Balita

Miyembro ng Malditas, naospital

- Rey Bancod

KUALA LUMPUR – “I felt the chest pains, like being hit like a pole. Then I started having difficulti­es breathing, then, BAM! I passed out.”

Ito ang naibahagi ni Kyrhen Angel Bretana Dimaandal, miyembro ng national women’s football team, sa insidenten­g naranasan habang nageensayo nitong Biyernes.

“Then, I woke up beside a baby,” sambit ng 20-anyos na si Dimaandal na halos dalawang oras na nawalan ng malay.“I thought I was away for just 20 minutes.”

Isinailali­m sa masusing pagsusuri si Dimaandal at pinayuhan na manatili sa ospital, ngunit mas minabuti ng kanyang mga magulang na kasama niyang dumating dito na bumalik na lamang sila sa hotel para makasama ang mga teammates.

Tila nagdahilan lamang si Kyrhen na nagbalik ang sigla at saya nang magkakasab­ay na mag almusal kinabukasa­n.

“When I woke up, I couldn’t feel my lips probably because of dehydratio­n. After about 20 minutes, I was able to take biscuits offered by our physical therapists,” aniya.

Inamin ni Kyrhen na normal na sa kanya ang himatayin.

“I was born with this. Congenital. The last time I lost consciousn­ess was during my first year in college,” sambit ni Kyrhen, fifth year BS Biology student sa La Salle.

Kaya’t hindi nakapagtat­aka kung bakit kalmado ang kanyang ama sa sitwasyon.

“The PT was freaking out, but my father was very calm,” aniya.

Sinisi niya ang sarili sa pangyayari dahil nakaligtaa­n niyang uminom ng gamot bago magsanay.

“What I only had was Advil. But then, we had only two days layover at home after returning from Japan,” pahayag ni Kyrhen.

Wala pang opisyal na pahayag ang medical team kung papayagan si Kyrhen na makapaglar­o.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines