Balita

Pasabugin ang BoC

- Ric Valmonte

“PAANO ko makokontro­l ito (illegal drugs) sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan? May mga heneral at pulis na sangkot dito. Itong Bureau of Customs (BoC) na ahensiyang pinagkakat­iwalaan ko nasa droga rin. Paano ako magtatagum­pay?” Kaya, pag-amin ng Pangulo: “Alam ko na nagkamali ako. Nagkamali talaga ako. Hindi ko naman talagang akalain, iyan Bureau of Customs na iyan, akala ko kaalyado ko.”

Sa simula pa lamang ng kampanya ng Pangulo laban sa ilegal na droga ay ito na ang patutunguh­an. May bago na naman siyang listahang iwinawagay­way ng mga taong sangkot sa droga. Balang araw, aniya, ito ay magiging death certificat­e ng mga taong pasok sa nasabing listahan. Pero, sinu-sino ba sila?

Eh, ang nadagdag lang ay mga opisyal ng mga gobyernong may kaugnayan sa sindikato ng droga na kinabibila­ngan ng mga miyembro ng hudikatura. Iyong mga congressma­n, mayor, governor, barangay captain at police official ay kasama na sa nauna niyang listahan. Ang mga nasa una at bagong listahan ay pinagbanta­an ng Pangulo na papatayin. Kailangan umanong mawasak ang apparatus ng sindikato ng droga. Narco country na raw ang bansa.

Ang malaking problema ng Pangulo sa pagpuksa sa ilegal na droga ay walang-tigil na pagkalat nito sa bansa. Kasi, ang mga napatay na at pinapatay ay iyong mga dukhang, kung hindi nagtutulak ng droga para pantawid gutom, gumagamit nito para makalimuta­n ang kahirapan. May iilang opisyal ng gobyerno ang napatay na rin dahil sa umano’y pagiging druglord o protector ng mga drug trafficker. Sa una at bagong listahan ng Pangulo, wala mismo iyong mga pangalan ng mga nagpapasok ng droga sa bansa. Wala rin sa listahan ang mga pangalan ng kanilang mga kasapakat na nasa gobyerno. Kung mayroon...

man, hindi naririnig ng mamamayan na pinangalan­an at pinagbanta­ang papatayin ang mga ito.

Walang drug lord, protektor ng droga at nagtutulak ng droga kung walang droga. Kaya, may druglord, protektor at nagtutulak ay dahil may droga. Mukhang nasawata na ang droga na ginagawa sa loob ng bansa. Kahit paano ay nabuwag na ng awtoridad ang malalaking laboratory­o ng shabu sa bansa. Napigilan nga ang paggawa ng shabu, hindi naman napigilan ang pagpasok nito. Iyong inaakala ni Pangulong Digong na kaalyado niya ay siya pa ang nagpapalus­ot ng bulto-bultong shabu. Kaya, mahihirapa­ng magapi ang droga sa kabila ng mga patayan na isinasagaw­a sa mga operasyon ng PNP. Ang tinitigpas nito ay ang mga galamay ng apparatus, hindi ang mismong sentro nito. Sinentruha­n na ito nang buwagin ang mga laboratory­o kahit walang nadakip o bumulagta. Dapat ganito rin ang gawin sa BoC. Pasabugin ito at dalawa ang mapupuksa: kurapsiyon at droga.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines