Balita

Children’s Games, sentro ng PSC

-

DAVAO CITY – Umani ng papuri mula sa mga sports at tribal leaders, gayundin sa lokal na pamahalaan ang makabuluha­ng Inter-Faith Children’s Games na nagtapos nitong Linggo sa Mergrande Ocean Resort sa Toril District dito.

Dahil sa inspirasyo­n na hatid ng programa na nasa pangangasi­wa ng ‘Sports for peace’ ng Philippine Sports Commission (PSC), nagsimula nang magbuo ng kahalintul­ad na programa ang Barangay Pañalum sa Paquibato District, may tatlong oras ang layo sa lungsod.

Ayon kay Datu Boyson Anib, barangay councilor ng naturang distrito, na napapanaho­n ang programa na tunay na nagbigay ng kabuluhan sa batang kaisipan ng mga kalahok.

“We will hold Children’s Games every month, we will revive the games of the indigenous people. I hope this will be replicated to other barangays),” aniya.

Iginiit niya na napataas ang kaisipan at pangunawa ng mga kabataan sa isinagawan­g inter-action sa kanilang kapwa.

“The children learned so much. They were hesitant at first but with the orientatio­n not to be shy it really helped,” sambit ni Anib.

May kabuuang 80 kabataan mula sa Barangay Pañalum ang nakiisa sa dalawang araw na programa na bahagi ng aktibidad ng pamosong ‘Kadayawan’ festival.

Sa pagtatapos ng programa, pinangunah­an nina PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez at Commission­er Celia Kiram, ang pagdikit ng mga ginawang eroplano at ibong gawa sa papel sa isang malaking globo.

Ayon kay overall coordinato­r Serge Opeña, may hatid na mensahe ang naturang gawain sa nais marating sa buhay ng mga batang kalahok.

“Hindi man nila master ang globe pero ang mga bata may concept na kung saan nila gusto makakarati­ng ang peace sa mundo through the paper planes and birds,” aniya.

“The Children’s Games is really my focus now that Unesco is interested with what we are doing. It’s getting good results kasi walang protests dito walang nag-aaway. Laro langm” pahayag ni Ramirez.

 ?? PSC PHOTO ?? INIABOT ni Philippine Sports Commission (PSC) Chariman William ‘Butch’ Ramirez ang mga ‘goodies’ sa mga batang nakibahagi sa Inter-faith Children’s Games nitong Linggo sa Davao City.
PSC PHOTO INIABOT ni Philippine Sports Commission (PSC) Chariman William ‘Butch’ Ramirez ang mga ‘goodies’ sa mga batang nakibahagi sa Inter-faith Children’s Games nitong Linggo sa Davao City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines