Balita

BNTV Cup Finals sa Big Dome

-

ANG pinakahihi­ntay na 3-stag finals ng makasaysay­an BNTV Cup 7-Stag Derby ay sasalang ngayon araw at sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Handog ng Thunderbir­d Bexan XP & Thunderbir­d Platinum, sa pangunguna nina Joey Sy, Eddie Boy Ochoa at mga nasa likod ng programang pang-telebisyon na Bakbakan Na, nakatakdan­g magharap ngayon ang 79 na kalahok na may tigatlong panalo at isang talo sa isang mahigit na 115 sultada ng umatikabon­g labanan.

Kabilang sa mga magtutuos sina Jeffrey Bag-o; Ronald Tungue, Don Destrura, Ronnie Srerano, Ka Lando Luzong, Jose Luis, Erwin Bueno, Leo Gomez, Engr. Sonny Lagon, Omar Somoza, Jap & Clarissa, Charles Cachuela, Mayor Ilyong Hernandez, Lester Dimaculang­an, Erwin Garduque, Harold Natalia, Rocky Garcia, Atty. Vincent Ronadris, Boyet Macatangay, REDgardo Escalona, Bong Mero/Jeffrey Tiu, Albert Bagtas, Jaime Ducut, Rayboy Guinit, Dr. Antonino Mabanta, Jun Mariano at Rolando Limjap.

Tampok din sina Kayser Wenceslao, Reynaldo Liu, Mark Angelo Garcia, Ted Partosan, Kenneth Falsism Manny Benito, Rolando Alcayde, Ronnie Belga, Vicar Villaraza, Rodel Nulada/Rommel Bungkawil, Remigio Llarenas, Jr. Robert Carbonilla, Rhoy Albert Villapando, Marc Anthony Rinosa, Rex Arugay, Kap. RR Lacson, Dr. Jorick Paat, Ken Pascual, Adonis Sanchez, Felix Punzalan, Abdrew Basilia, Biboy Enriquez, Tony King at TJ Marquez.

Samantala ang mga 71 entry na walang talo na may tig-apat na panalo ay maglalaban para sa kampeonato sa Agosto 24 na nakatakda rin sa Big Dome.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines