Balita

INALAT LANG!

Atletang Pinoy, bigong makaamot sa 21 gintong nakataya sa SEAG ‘Sunday Action’

-

KUALA LUMPUR – Matapos ang makulaym at mainspiras­yon na opening cere ceremony, kaagad na sumambulat ang aksiyon sa 29th Southeast Asian Games kung saan nakatayan ang 21 gintong medalya sa 10 sports sports.

Ngunit, walang Pinoy na nakasa nakasambot ng isa sa gintong kumikinang nitong Li Linggo sa iba’t ibang sports venue. Sa limang ginto na nakataya sa wushu, kabiguan ang natamo ng Pinoy ku kung saan tumapos lamang sa ikaanim si Daniel Parantac sa men’s optional taijijian. Na Nakatakda rin siyang sumabak sa men’s optional jianshu. Hindi rin nakalusot si Kimberly Ma Macuha sa womens’s optional jianshu. Nakatakda ring sumabak ang Pinoy sa table tennis, bowling, equestrian at archery.

Nakatudla ang Pinoy archers ng dalawang bronze sa compound events nitong Biyernes kung kaya’t umaasa ang delegasyon sa matikas na kampanya sa men’s and women’s individual recurve events.

Gugulong naman ang laban sa bowling sa Sunway Pyramid, Petaling Jaya.

Nagsimula na rin ang eliminatio­n bout sa boxing kung saan mapapalaba­n sina flyweight Ian Clark Bautista, bantamweig­ht Mario Fernandez at middleweig­ht Eumir Felix Marcial.

Nabahiran naman ng kontrobers­yal ang SEAG nang aksidenten­g mailagay ng Malaysian organizer ang bandila ng Poland sa Indonesia sa souvenir guidebook.

Umani ng batikos mula sa Indonesian delegation ang pagkakamal­i kung kaya’y naging popular na hashtag sa Twitter kahapon ang #shameonyou­malaysia. Ayon kay Indonesia’s Olympic Committee chairman Erick Thohir, ang pagkakamal­i ay isang kapalpakan at kaagad na hiniling ang pagsasaayo­s ng naturang guidebook.

“Friendship is the greatest legacy in sports, but a mistake in presenting a national identity is not justified,” sambit ni Thohir.

Iginiit ni Youth and Sports Minister Imam Nahrawina na “very painful” ang naturang kapalpakan,

Ayon sa Malaysian Organizing Committee, nakatakdan­g makipagpul­ong ang Malaysia’s sports minister kay Nahrawi para personal na humingi ng despensa.

“We very much regret the mistake,” pahayag ng organizer sa opisyal na pahayag.

 ?? PHOTOS ALI VICOY ?? PUMARADA ang Team Philippine­s, sa pangunguna ni flag-bearer Kirstie Alora ng taekwondo sa makulay na opening ceremony ng 29th Southeast Asian Games Sabado ng gabi sa Bukit Jalil National Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia, habang matikas ang porma ni...
PHOTOS ALI VICOY PUMARADA ang Team Philippine­s, sa pangunguna ni flag-bearer Kirstie Alora ng taekwondo sa makulay na opening ceremony ng 29th Southeast Asian Games Sabado ng gabi sa Bukit Jalil National Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia, habang matikas ang porma ni...
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines