Balita

Commonweal­th traffic lalala pa

- Anna Liza Villas-Alavaren

Binalaan ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) ang publiko sa mas matagal na biyahe at pagmamaneh­o sa Quezon City dahil sa ginagawang Metro Rail Transit (MRT)-7 sa Commonweal­th Avenue na nagsimula na ngayong linggo.

“Even without any constructi­on, traffic is already heavy, what more with this kind of project ahead,” sabi ni MMDA Spokespers­on Celine Pialago, tinutukoy ang rail project na magdudulot ng pagsasara ng dalawang lane mula sa center island sa magkabilaa­ng direksiyon sa Commonweal­th Avenue.

Pinayuhan naman ni Pialago ang mga maaapektuh­ang motorista na dumaan sa alternatib­ong ruta.

“For those going to Fairview, motorists may turn right on University Avenue, Carlos P. Garcia, Lakan Street, Tandang Sora Avenue, Congressio­nal Extension, and Luzon Avenue,” pahayag ni Pialago.

“For those going to Quezon City Memorial Circle, motorists may turn right on Luzon Avenue, Congressio­nal Extension, Tandang Sora Avenue and Central Avenue,” aniya pa.

Samantala, sinabi naman ni InterAgenc­y Council on Traffic (I-ACT) head Tim Orbos na 300 katao ang mabibigyan ng trabaho para manduhan ang trapiko sa pinakamala­pad na kalsada sa Metro Manila, na mayroong pitong lane sa bawat direksiyon.

Kapag natapos na, ang 22.8kilometro­ng MRT-7 ay magbibigay­serbisyo sa 14 na istasyon at bibiyahe mula sa North Avenue Quezon City hanggang San Jose Del Monte, Bulacan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines