Balita

US warship natagpuan sa Philippine Sea

-

WASHINGTON (Reuters) – Natagpuan ng mga mananaliks­ik ang wreckage ng US warship Indianapol­is, na pinalubog ng Japanese torpedo sa mga huling araw ng World War II, mahigit 18,000 talampakan sa ilalim ng Pacific Ocean, sinabi ng Navy nitong Sabado.

Pabalik na ang cruiser mula sa kanyang misyon na magdala ng mga bahagi ng atomic bomb na ibabagsak sa lungsod ng Hiroshima sa Japan, nang pagbabaril­in ito ng isang Japanese submarine sa North Pacific Ocean noong Hulyo 30, 1945.

Lumubog ang Indianapol­is sa loob ng 12 minuto, ayon sa Naval History and Heritage Command sa Washington. Walang ipinadalan­g distress signal. Nakaligtas ang 800 sa 1,196 na crew member na sakay nito sa mismong paglubog, ngunit 316 lamang ang nabuhay makalipas ang limang araw, ang iba ay dahil sa exposure, dehydratio­n, pagkalunod at atake ng mga pating.

Matapos mahukay ng isang Navy historian ang bagong impormasyo­n tungkol sa huling galaw ng barko na nagtuturo sa bagong search area noong 2016, isang grupo ng mga sibilyan sa pamumuno ni Paul Allen, co-founder ng Microsoft Corp, ang gumugol ng ilang buwang paghahanap sa 1,500square-kilometer na bahagi ng karagatan.

Sa tulong ng mga kagamitan na kayang abutin ang pinakamala­lim na bahagi ng dagat, natagpuan ng grupo ni Allen ang wreckage sa isang bahagi ng Philippine Sea nitong Biyernes. Hiniling ng Navy kay Allen na panatilihi­ng confidenti­al ang eksaktong lokasyon nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines