Balita

Trike driver patay, 3 sugatan sa aksidente Negosyante na-estafa ng R200,000

- Liezle Basa Iñigo Leandro Alborote

BINMALEY, Pangasinan – Patay ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang tatlong pasahero niya makaraaang sumabog ang gulong ng sasakyan habang nasa biyahe at tumilapon sila sa Barangay Papagueyan sa Binmaley, Pangasinan.

Napag-alaman na dakong 7:09 ng umaga nitong Sabado nang mangyari ang aksidente sa national road sa Bgy. Papagueyan, Binmaley.

Nasawi si Ernesto Soriano, 70, tricycle driver, ng Bgy. Malacañang, San Carlos City, habang sugatan naman sina Jackyline Malicdem, 26, residente ng Bgy. Salinap; Hildrich R. Catabay, 18, estudyante, tagaBgy. Malacañang; at Faye P. Curaming, 17, estudyante, ng Bgy. Coliling, San Carlos.

LA PAZ, Tarlac - Dahil sa labis na pagtitiwal­a ng isang 59-anyos na negosyante ay natangayan siya ng dalawang kakilala ng mahigit P200,000 sa Barangay Lara, La Paz, Tarlac.

Napag-alaman na nagtiwala si Luis Umipig na magpahiram ng pera kina Romano Christophe­r at Rizalyn Olor, kapwa nasa hustong gulang, na nangakong kaagad na magbabayad.

Sa imbestigas­yon ni PO2 Jamal Garcia, Oktubre 15, 2016 nang nagsimulan­g mangutang ang dalawang suspek na tumagal hanggang sa nitong Marso 5, 2017 ay umabot na sa P219.245 ang kabuuang nahiram ng dalawa.

Nangako ang dalawa na babayaran si Umipig sa Hunyo 20, 2017 subalit hindi ito natupad kaya nagpasya ang biktima na ihabla na ang mga ito ng estafa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines