Balita

Sumapit at lumipas ang jueteng deadline

-

LINGGO

noon, Hulyo 30, nang bigyan ng deadline ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa, ang kanyang mga regional director sa bansa. Ipinag-utos niyang tuluyan nang tuldukan ang jueteng sa loob ng 15 araw, at kung mabibigo sila ay awtomatiko silang sisibakin sa puwesto.

Lumampas na ang palugit at wala pa ring ulat kung nakatupad ba ang sinumang opisyal ng pulisya sa nasabing direktiba. Malaki ang posibilida­d na gaya pa rin ng dati ang lahat, dahil lubhang imposible ang itinakdang deadline, lalo na kung babalikan ang kasaysayan ng jueteng sa bansang ito.

Patok ang tsambahan sa numerong ito para sa mahihirap dahil maaaring tumaya sa dalawang numero hanggang sa 40 sa pinakamali­it na P5 sa tsansang mapapanalu­nan ang premyo sa araw na iyon. Wala silang panggastos sa casino; sa halip, isang pulutong ng mga kubrador ang nagbabahay-bahay sa mga barrio at barangay upang makalikom ng daandaang maliliit na taya ng mga maralitang sumusugal sa sariling suwerte—tinatayaan ang mga numerong minsan ay napanagini­pan lamang nila nang nakalipas na gabi.

Ngunit ang maliliit na taya mula sa napakarami­ng maralita ay aabot sa malaking halaga kung susumahin. Sa taya ni Sen. Panfilo Lacson, chairman ng Senate Games and Amusement Committee, aabot ang arawang koleksiyon sa jueteng sa bansa sa P267 milyon—o P96 bilyon kada taon.

Sa pamamagita­n ng Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO), tinangka ng gobyerno na isailalim sa pangangasi­wa at kontrol ng pamahalaan ang malaking negosyong ito sa pamamagita­n ng programang Small-Time Lottery (STL). Gayunman, nagawa pa rin ng mga promoter ng jueteng na ipagpatulo­y ang pamamayagp­ag ng kanilang operasyon, at ginamit pa ang STL bilang front.

Ibinunyag ni Lacson na noong maging hepe siya ng pulisya sa Laguna taong 1992, inalok siya ng buwanang P1.2 milyon. Iba pa ang presyo sa mga lokal na pamahalaan at mga opisyal ng pulisya, aniya. At lubhang maliit lamang ang operasyon ng jueteng sa Laguna kumpara sa Pangasinan, Pampanga, at Isabela.

Kapuri-puri ang hangaring mapatigil ang ilegal na sugal ngunit hindi pa natutukoy ang paraan upang maisakatup­aran ito. Sinabi ng senador na nagsasagaw­a siya ng mga public hearing para sa kanyang panukala, ang Senate Bill 1470 na layuning mapalakas ang PCSO at higit na mapanagot ito sa publiko.

Aniya, nabigo ang programang STL na palitan ang jueteng. Napanatili ng mga operator ng huli ang pagkahumal­ing dito ng daan-daang libong mahihirap na mananaya ng jueteng sa bansa. Nakatulong marahil ang itinakdang deadline sa mga regional director ng PNP, ngunit hindi ito sapat. Posibleng ang kinakailan­gan ay isang pangkalaha­tang solusyon—panlipunan at pangkultur­a, gayundin ang legal at penal.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines