Balita

Pagsasanay sa pag-iinspeksiy­on para sa ligtas na pagkain

-

NADAGDAGAN

pa ang 40 sanitary inspector sa Puerto Prinsesa City at sa buong Palawan, sa pagtatapos ng tatlong araw na Food Inspector Training, sa pamumuno ng Department of Health (DoH) sa MIMAROPA.

Sa pahayag mula sa DoH-MIMAROPA, sinabi ni Regional Director Eduardo Janairo na ang mga kinatawan ay mula sa iba’t ibang munisipali­dad sa limang probinsya ng rehiyon. Nakumpleto nila ang Food Inspection Training program sa Quezon City, na nagtapos nitong Huwebes.

Ang “Basic Food Safety for Food Handlers” at “Hazard Analysis Critical Control Point (HACCP) Principles and Practice for Catering” ang unang dalawang set ng programa. Ang ikalawang bahagi ay ang tatlong araw na “Food Safety Compliance Officer Training”.

“This training was strictly conducted with the inclusion of a written and practical examinatio­n after every lesson in order to assess and verify that participan­ts have understood the concepts presented and being taught. Those who will not pass the examinatio­n will have one chance to retake the test,” saad ni Janairo.

“It’s never safe to assume that sanitary inspectors are already well-informed without having been properly trained. That is why it is important that they understand the risks associated with producing unsafe foods and be familiariz­ed with terms like food safety, cross-contaminat­ion, (the transfer of a potentiall­y hazardous substance to another surface or food) and various types of bacteria that are potentiall­y dangerous if present in food,” paliwanag ni Janairo.

Layunin ng pag-eensayo na palakasin pa ang kakayahan at magbigay ng wastong kaalaman sa mga sanitary inspector tungkol sa tamang pangangasi­wa, preparasyo­n, at pag-iimbak ng pagkain upang maiwasan ang food-borne diseases at pagkalason.

“Sanitary inspectors are indispensa­ble part of our healthcare system because they protect the public from food and water-borne illnesses and unsanitary, misbranded or adulterate­d foods that proliferat­e and being sold carelessly in the market,” pagpapaliw­anag ni Janairo.

“The prevention and control of diseases depends primarily on their proper implementa­tion of food safety policies and environmen­tal sanitation regulation­s in the community,” dagdag pa niya.

Saklaw ng Basic Food Safety Training ang pagtiyak sa kaligtasan ng pagkain, panganib sa pagkain, pagkakasak­it mula sa pagkain, delikadong kainin, limitasyon sa oras at temperatur­a sa pag-iimbak, personal na kalinisan, pagsasanay sa kaligtasan ng pagkain, mga lugar at kagamitan, paglilinis, pag-iwas sa peste, pananatili­ng ligtas ang kusina, at katiyakan sa supply ng pagkain.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines