Balita

Balik-tanaw sa pagpaslang kay Sen. Ninoy Aquino

- Clemen Bautista

SA kalendaryo ng kasaysayan ng iniibig nating Pilipinas, hindi malilimot ang petsang ika- 21 ng Agosto sapagkat ginugunita ang araw ng pagpaslang kay dating Senador Ninoy Aquino, Jr. Naganap ang pagpaslang sa taac ng Manila Internatio­nal Airport ( MIA), na ngayon ay tinatawag na Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA), noong Agosto 21, 1983 ng hapon. Bilang pagpapahal­aga sa natatangin­g senador na nagbuwis ng buhay alang-alang sa kalayaan, demokrasya at pambansang pagkakaisa, nilagdaan (Pebrero 25, 2005) ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Republic Act 9256 na nagpapahay­ag na ang AGOSTO 21 ay national holiday upang gunitain ang katapangan at malaking kontribusy­on sa kalayaan at demokrasya ng pinaslang na senador.

Sa pagbabalik- tanaw sa kasaysayan, nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang martial law noong Setyembre 21, 1972, isa si Senador Ninoy Aquino sa mga unang dinakip kasama sina Senador Lorenzo Tanada, Joe W. Diokno, Francisco Soc Rodrigo at ang senador na taga-Rizal na si dating Senate President Jovito Salonga. Nakulong si Senador Ninoy Aquino sa loob ng pito at kalahating taon. Ipinalipat­lipat sa iba’t ibang kampo militar. Tinakot na papatayin at tinangkang lasunin. Bago pinaslang si Senador Ninoy Aquino, nanirahan siya sa Boston, Massachuse­tts, bilang isang political prisoner, kasama ang kanyang pamilya matapos maoperahan sa puso. Nasisiyaha­n na sana siya sa kanyang pansamanta­lang kalayaan sa America ngunit ikinalungk­ot niya ang nangyayari noon sa Pilipinas. Nadama niyang kailangan siya ng kanyang mga kababayan. Nagpasiyan­g magbalik sa Pilipinas. Pinakiusap­an siya ng mga nagmamahal sa kanya na huwag bumalik sapagkat may nakaambang kamatayan. Ngunit hindi siya natakot. Sinabi pa ni Senador Ninoy Aquino: ‘’ MATAMIS ANG MAMATAY PARA SA PILIPINO”. At ang bala mula sa baril ng militar ang tumapos sa buhay ni Senador Ninoy Aquino sa tarmac ng Manila Internatio­nal Airport noong Agosto 21, 1983. Ang mga putok ng baril ay narinig sa buong daigdig. Nagpalawak ng matinding kalungkuta­n at galit ng mga mamamayan.

Ang malagim na pagpatay sa mabunying senador ay ibinintang kay Rolando Galman na isang fall guy. Ngunit kinondena iyon ng sambayanan­g Pilipino na nagmamahal kay Senador Ninoy Aquino. Ang mga militar na naging escort ng senador ay nangahatul­an ng habambuhay. Namahay sa kulungan sa Muntinlupa, at ang iba ay nagsitanda na at may namatay na ngunit hanggang ngayon ay walang makapagsab­i kung sino ang utak sa pagpatay kay Senador Ninoy Aquino.

Mahigit dalawang milyong Pilipino ang naghatid sa dakilang senador sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park sa Parañaque City. Tumagal ng 10 oras, mula 10:00 ng umaga at natapos dakong 9:00 ng gabi, sinimulan sa simbahan ng Sto. Domingo. Ang inyong lingkod, bilang reporter ng DZRH, ay isa sa mga nag-...

cover sa libing ni Senador Ninoy Aquino.

Ang pagpaslang kay Senador Ninoy Aquino ay makasaysay­an. Ngunit naging dahilan at nagtulak naman ito sa milyong Pilipino na maglunsad ng iba’t ibang kilosprote­sta laban sa diktadurya­ng Marcos na humantong sa EDSA People Power Revolution noong Pebrero 22-25, 1986 na nagpabagsa­k sa rehimeng Marcos. Tumakas sa Malacañang at nagtungo sa Hawaii at doon namatay noong Setyembre 28, 1989.

Maraming pananaw sa pagpaslang kay dating Senador Ninoy Aquino. May nagsabing naging pangulo na si Cory Aquino, na butihing maybahay ni Senador Ninoy Aquino, at ang anak nilang si Noynoy Aquino ngunit hindi pa rin alam ng sambayanan kung sino ang nasa likod ng pamamaslan­g. Ngunit anuman ang maging pananaw sa pagpaslang sa dating senador, ang kanyang kamatayan ay magpapatul­oy na nagliliyab na inspirasyo­n sa mga Pilipino para patunayan na walang pinunong mapanikil na hahayaang sumupil sa sambayanan­g maalab ang pagmamahal sa kalayaan at demokrasya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines