Balita

Hkm 2:11-19 ● Slm 106 ● Mt 19:16-22

-

Lumapit kay Jesus ang isang binata at nagtanong: “Guro, anong mabuti ang dapat kong gawin para makamit ang buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus: “Bakit tungkol sa mabuti ang tanong mo? Iisa lang ang Mabuti. Kung gusto mong pumasok sa buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos.” At sinabi naman ng binata: “Anong mga utos?” Sumagot si Jesus: “‘Huwag pumatay, huwag makiapid, huwag magnakaw, huwag manirang-puri ng kapwa, igalang ang iyong ama at ina, at mahalin ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ ”

At sinabi sa kanya ng binata: “Sinunod ko ang lahat ng ito, ano pa ang kulang ko?” At sinabi ni Jesus: “Kung gusto mong maging ganap, umuwi ka’t ipagbili ang mga ari-arian mo at ibigay ang pera sa mga dukha, at magkakaroo­n ka ng kayamanan sa Langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.”

Pagkarinig ng binata sa pahayag na ito, umalis siyang malungkot sapagkat napakayama­n niya.

PAGSASADIW­A:

Ano pa ang kulang ko?— Kulang ang dinuguan kapag walang puto. Kulang ang kare-kare kapag walang bagoong (o alamang). Kulang ang kape kapag walang asukal. Hindi mabuti kapag may kulang. Dapat punuan ang kulang.

Ano ang kulang sa binatang binabanggi­t sa ebanghelyo? Mukha namang nagawa na niya ang lahat. Pero may isang kulang sa kanya—ang katapangan­g iwan ang kanyang ari-arian. Kulang ang kanyang katatagan upang sumunod kay Jesus.

Ano ang kulang sa atin? Pagmamahal? Pagpapataw­ad? Pag-unawa sa kapwa? Pagdamay sa nangangail­angan? Paggalang sa karapatan ng iba? Mabuting asal? Magandang pananalita? Maayos na pagkilos? Kalinisan? Kababaang-loob?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines