Balita

Mag-Asawa'y 'Di Biro

Ika-97 labas

- Leonardo T. Buluran

AKTONG naghuhunta­han ang magkaibiga­ng karnal na Deth at Precy sa bahay ng una nang biglang dumating sina Nana Senyang at Taba. Si Nana Senyang na may-ari ng bingohan at si Taba na taga-bola sa tabiolo ng bingohan o bolero.

Buntong hininga ang Deth. “Malas ho kami, e!”

“Aba, pagkakatao­n na ninyo makabawi ngayon,” sabi ni Nana.

“’Yan na namang sugal, mga beautiful iha… e hindi laging talo.” Sabi ni Nana Senyang. “Ay, koreksiyon nga pala. Hindi nga pala sugal ang bingo. Kung ganyang matagal na kayong malas at hindi sinusuwert­e, tiyak, ngayon ang bawi n’yo.”

“Sayang!” kay Precy bumubulong si Deth pero dinig din naman ng dalawang hindi sinasadyan­g panauhin. “Walangwala pa naman ako.”

“Ako rin, ‘di ba?” Bulong din ang kay Precy pero dinig din ng dalawang talaga namang nakikinig.

“Aba’y ano pa’ng ginagawa natin dito?” si Nana Senyang para kay Taba. “Dinadalhan na natin ng s’werte, ayaw tanggapin. ‘Di umalis na tayo. Baka mainip ‘yong mga guests nating bingorero at bingorera.”

Matagal nang nakaalis ang dalawang manunukso sa paraiso, nakahilata pa rin ang magkumare. Naroong mangunot ang mga noo, naroong tumirik ang kanilang mga mata, naroong mapabunton­g hininga ng kay lalim. Naroong mapailing, naroong mapatango.

“Pa’no na kaya ngayon?” si Precy ang nagtanong. “Ano’ng pa’no ngayon?” si Deth. “Hindi pambingo lang ang wala ako. Tanghalian, wala na rin ako.”

“’Kala ko, pinamimili mo pa ‘ko ng juice na gusto ko!”

“Sa karenderia ni Aling Saling, ayaw na ‘kong pautangin. Magbayad daw muna ako bago ako pautangin ulit.”

Maya-maya, nagulat si Deth nang biglang umupo si Precy mula sa pagkakahil­ata. “Wow! Bakit ngayon ko lang naisip? Magandang balita!”

“Ano ‘yong magandang balita, mareng Precy?’

“May mauutangan na tayo. May bagong eatery d’yan sa tapat ni Sisang Labandera. Sabi nga pala sa ‘kin ni Nitang Huweteng nagpapauta­ng daw basta’t dalhin mo lamang ang ATM ng mister mo katibayang may trabaho siya.”

Bigla’y malungkot, iiling-iling ang Deth.

“Bakit, mare?” tanong ni Precy.

Umiling-iling si Deth. Lumabi. “Ay, naku… ang kumara ko. Huli ka na sa balita. Nautangan ko na ‘yon. N’on pang isang araw nagsimula ang tindahan n’ong si Merlita.”

Katahimika­n. Nakahilata na naman ang magkumare. Mukhang malalim na naman pareho ang kanilang iniisip.

Nagsasalit­a na naman si Deth pero parang sa sarili lang: “Ang malaki kong problema, parang nakakahala­ta na si Efren…”

“Hoy! Naririnig kita,” sabi ni Precy. “Pareho lang tayo ng problema, baka akala mo.”

“Kagabi,” patuloy ni Deth. “Nasarapan si Efren sa sinigang na bangus at tortang talong. Kaso, inutang ko lang ang mga ‘yon. Naghahanap ang pobre. Akala kasi, namalengke ako at buong bangus ang nabili ko…”

“Dali namang lusutan n’on, mareng Deth.”

“‘Yon nga, sabi ko, nasarapan ko rin. Sabi ko pa nga, ‘buti natirhan pa kita. Bakit daw ang lakas kong mag-ulam ngayon? Natuwa pa. Baka raw naglilihi na ako.”

“Bakit nga kaya hindi pa tayo naglilihi, mareng Deth? Gusto na rin ni Serafin magkar’on na kami kahit kitikiti.”

Para nang iiyak si Deth. “Ni katiting na kangkong ngang halo ng sinigang hindi ko tinikman. Hu hu hu!”

Itutuloy…

 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines