Balita

Oliva, pambato ng RP sa pool

- Rey Bancod

KUALA LUMPUR – Kumpiyansa si Allison Beebe, coach ni Rio Olympic gold medalist Simone Manuel ng United States, na malaki ang potensyal ni Filipino-American Nicole Oliva na maging isang Olympics champion sa hinaharap.

“Her love for the sport will carry her to her dreams,” pahayag ni Beebe, gagabay kay Oliva sa pagsabak sa swimming competitio­n sa 29th Southeast Asian Games.

Kasalukuya­ng second year high school ang 15- anyos na si Oliva sa St. Francis High School sa Mountain View, California.

Ang kanyang mga magulang ay pawang ipinangana­k at lumaki sa Pilipinas.

Tatlong taon nang kumakatok sa pintuan ng Team Philippine­s si Oliva, ngunit ngayon lam ang siya naisama ng pamunuan sa swimming.

Nakalusot si Oliva sa ginanap na national tryouts at nakatakdan­g sumabak sa pitong individual event at tatlong relay.

Mas naging mabilis ang kanyang tyempo sa 400- meter freestyle mula nang sumailalim sa pagsasanay kay Beebe.

“She’s a smart swimmer, the smartest among the 15year- old that I handle,” sambit ni Beebe.

“I don’t care if the other swimmers do cart wheels as long as Nicole does what she’s trained to do,” ayon kay Beebe, isang ASCA Level 5 coach at miyembro ng coaching staff ng Santa Clara Swim Club.

Nagsimulan­g magsanay si Manuel kay Beebe noong ito’y 11- anyos pa lamang. Matapos ang pitong taong pagsasanay, tinanghal si Manuel na unang African- American na nagwagi ng individual gold medal sa US swimming.

 ?? KLSOC PHOTO ?? BIGONG masundan ng atletang Pinoy ang gintong medalya na napagwagih­an ni Mary Joy Tabal sa women’s marathon sa malamyang kampanyan sa unang area ng kompetisyo­n matapos ang makulay na opening ceremony Sabado ng gabi.
KLSOC PHOTO BIGONG masundan ng atletang Pinoy ang gintong medalya na napagwagih­an ni Mary Joy Tabal sa women’s marathon sa malamyang kampanyan sa unang area ng kompetisyo­n matapos ang makulay na opening ceremony Sabado ng gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines