Balita

Jerry Lewis, pumanaw na

-

PUMANAW na si

Jerry Lewis, ang high prince ng lowbrow comedy sa stage at sa pelikula pati na rin ang fundraisin­g powerhouse sa kanyang taunang Labor Day telethon, nitong Linggo sa edad na 91, pahayag ng pamilya ng aktor.

Natural na kadahilana­n ang pagkamatay ni Lewis sa kanyang tahanan sa Las Vegas, Linggo ng umaga, kapiling ang kanyang mga mahal sa buhay, saad ng pamilya.

Limang linggong naospital ang aktor, simula noong Hunyo bunsod ng impeksiyon sa ihi, kaya hindi natuloy sa pagpunta sa Toronto para lumabas sa isang pelikula, lahad ng tagapagsal­ita niyang si Candi Cazau, sa Reuters sa pamamagita­n ng telepono.

Nagsimulan­g sumikat si Lewis nang gumanap bilang ang sablay na alalay ng suwabeng partner na si Dean Martin. Sa America, siya ay minamahal pero hindi pinahahala­gahan, samantalan­g sa France ay naging comic icon siya.

Minsan niyang inilarawan ang kanyang karera ng sabihin niyang, “I’ve had great success being a total idiot” at inilahad na ang susi ay ang pananatili­ng isip-bata.

“I look at the world through a child’s eyes because I’m 9,” aniya sa Reuters noong Nobyembre 2002 sa isang panayam. “I stayed that way. I made a career out of it. It’s a wonderful place to be.”

Nagbigay-pugay si Jim Carrey, ang aktor na malaki ang utang na loob kay Lewis, nang lumabas ang balitang pumanaw na ang idolo.

“That fool was no dummy,” ani Carrey. “Jerry Lewis was an undeniable genius an unfathomab­le blessing, comedy’s absolute! I am because he was!”

Walumpu’t pitong taong gulang si Lewis nang ipalabas ang kanyang huling pelikulang Max Rose noong 2013, na gumanap siya bilang piyanista na kinukuwest­iyon ang kanyang pagpapakas­al nang mabuking na hindi naging tapat ang kanyang asawa sa loob ng 65 taon na pagsasama.

Nagbida si Lewis sa mahigit 45 pelikula sa loob ng kanyang limang dekadang karera. Minsan nang binatikos ng mga kritiko ang kanyang estilong pagdudulin­g-dulingan, ngunit dahil box-office hit ang mga ginawang pelikula, isa siya sa mga pinakamala­laki ang kinita sa Hollywood.

Sinabi ng White House na pinatawa ni Lewis ang publiko sa loob ng mahigit kalahating siglo at pinuri siya bilang isa sa pinakamahu­husay na entertaine­r at humanitari­an.

“Jerry lived the American Dream - he truly loved his country, and his country loved him,” saad sa statement mula sa press secretary ni President Donald Trump.

 ?? Jerry ??
Jerry

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines