Balita

Mag-Asawa'y 'DiBiro

- R.V. VILLANUEVA

Ika-98 labas

NAGKAHINGA­HAN

ng loob ang magkumaren­g Deth at Precy ng kani-kanilang problema na lahat naman ay nag-ugat lang sa pagka-adik nila pareho sa bingo.

“Gustung-gusto ko nga rin ang sinalipak na ulo ng bangus na ‘yon. Tsaka, hindi naman no’ng tanghali ko pa binili ‘yon. Tinanghali­an ko panutsa na sinasabaya­n ko ng malamig na tubig para malunok ko ang kanin.”

“Naligo ka ba, mare… bago dumating si pareng Efren?”

“Ano naman ang koneksiyon no’n?”

“Malaki ,mare. Habang naghahanap ng karagdagan­g ulam si pare, tumayo ka sa mesa at sakluban mo ng daster. Daster naman ang lagi mong suot, ‘di ba?”

“Oo nga, ano. Hi hi hi. Lagi pa namang daster lang ang suot ko kung nasa bahay.” Change mood na naman ang Deth. “Alam mo, mare… maging d’on yata, tinatamad na ang unggoy.”

Bumuntong hininga ang Precy. “Ano ba itong napasukan natin, mare. Ang dalas kong magutom. ‘Di ba ikaw din? Ni kapiraso ngang hopya na paborito ko, tinitiis ko. ‘Di ba ikaw din? Hindi ka rin nagmimirye­nda, ‘di ba? Sinisikmur­a na yata ako, e.”

“Buti, meryenda lang ang problema mo. Ako, tanghalian ngayon.” Katahimika­n, matagal. Biglang balikwas ang Precy sabay tingin sa suot na relo. “Aba, mare… mag-aalas nuebe na. May mga dayo daw sabi ni Nana Senyang. Aba, kailangang makapag-bingo tayo.”

“Pa’no nga? Ni pisong duling, wala tayo. Saka tinatamad ako!”

Bigla’y may kumislap yatang ideya sa utak ni Precy: “Alam ko na. Hindi maaaring hindi tayo magbingo!”

“Ikaw magbingo ka. Ako, sumpa man… hindi!”

“Panalo lang sa bingo ang paraan para matubos natin ang mga sangla natin!” patuloy ni Precy.

“Oo nga, ano. E, wala nga tayong puhunan.”

“That’s my bright idea. Maghagilap uli tayo ng mga damit na madidispat­sa. ‘Di ba mahilig magbibili ng damit si Efren? Si Serafin ko rin. Saka pati mga atin.”

Kumbinsido agad ang Deth. “Sige, mare. Tulungan mo ‘kong maghalungk­at.”

Marami ngang damit ang mag-asawang Deth at Efren. Dalawa ang aparador nila ng mga nakatiklop at may hanger pa na mga medyo mamahaling damit na hindi na tinitiklop. Walang habas ang ginawa nilang paghahalun­gkat.

Sabi ng Deth, “Heto ang isinuot ko n’ong maganak ako sa binyag at heto naman n’ong umabay ako sa kasal. Hindi ko naipagsusu­ot ito kaya hindi masyadong nakikita ni Efren.”

“Pati itong mga damit ni pareng Efren, mare… pakikialam­an natin?”

“Siyempre . ‘Yang loufer niya tutal, may jacket naman siya.”

“Heto, mareng Deth. Mga pantalon at medyo lumang mga polo ni pare. E, etong mga brief… ngek!”

“Oo nga, mareng Precy. Mga bago ‘yan, hindi pa nga naisusuot… pero marami naman. Hindi mahahalata. Regalo ko pa nga sa kanya ang iba niyan, mareng Precy.”

Nakabunton na ang kanilang napili.

“Tama na sigurong puhunan ‘to, mare?,” si Precy. “Para naman may matira at may maibenta uli.”

“Magbibenta tayo uli, mare? ‘Kala ko ba this time babawi tayo? Puro ba talo?”

“Naro’n pa kaya sa palengke ‘yong kakilala nating bumibili ng segunda manong damit?”

“Tena sa amin, mareng Deth… tulungan mo rin ako.” Itutuloy…

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines