Balita

Japanese karatekas, ilalaban ang Pinas

- Rey Bancod

KUALA LUMPUR – Sasabak ang dating miyembro ng Japanese national team para sa bayan sa 29th Southeast Asian Games.

Nagdesisyo­n si Junna Tsukii, 26, at Pinay ang ina na sumapi sa Team Philippine­s para makapagamb­ag ng medalya sa -50 kilogram division ng kumite event sa karate.

Si Tsukii, second dan karate blackbelte­r, ay five- time AllJapan champion at beterano sa kompetisyo­n sa abroad. Ang ama niya na si Shin Tsukii ay nagsilbing coach ng Japan sa loob ng 20 taon.

“I want only gold,” sambit ni Tsukii, ipinangana­k sa Pasay bago nanirahan sa Japan nang siyan’y tatlong taon na.

“My father convinced me to play for the country of my birth.”

Naapektuha­n ang kanyang kampanya sa Japan nang magtamo siya ng injury sa anterior cruciate ligament (ACL) sa kanang tuhod noong 2015.

Nakabawi siya at nagawang manalo ng silver medal sa 10th Polish Open Internatio­nal Karate Grand Prix sa Bielsko, Poland.

Nitong April, nakopo ni Tsukii ang bronze medal sa US Open at gintong medalya sa Thailand Open karate championsh­ips at nagwagi rin ng ginto sa Canadian Open nitong Hunyo.

Sisimulan niya ang kampanya ngayon ganap na 11:00 ng umaga sa Kuala Lumpur Convention Center Hall 1.

Kabilang din sa koponan sina Jayson Ramil Macaalay sa men’s kumite -60 kg, Miyuki Tacay sa women’s kumite +68 kg at Rexor Tacay sa men’s kumite -67 kg.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines