Balita

Manok sa palengke ligtas—Piñol

- Czarina Nicole O. Ong, Light A. Nolasco, at Mike U. Crismundo

Siniguro kahapon ni Department of Agricultur­e ( DA) Secretary Emmanuel Piñol sa publiko na ligtas ang mga karne ng manok na ibinebenta ngayon sa palengke.

“What is being sold in the market now is safe,” pahayag ni Piñol sa press conference na idinaos sa DA building sa Quezon City, idinagdag na ang DA ay “preventing the delivery of poultry products within the 7-kilometer radius of avian influenza-infected areas.”

At upang matulungan sa paniniguro ang mga mamimili, magiikot ang mga tauhan ng DA sa Metro Manila at magkakabit ng karatula na may nakasaad na: “Chicken and poultry products are certified safe by the National Meat Inspecting Service.”

Bukod diyan, sinabi rin ni Piñol na ipapawalan­g bisa nila ang ban ng pagpapadal­a ng poultry products mula sa Luzon at iba pang bahagi ng Pilipinas, bagamat may ilang kondisyon ang kagawaran.

Una, ang shipment ay hindi manggagali­ng sa 7-kilometer radius quarantine ng San Luis, Jaen at San Isidro. Pangalawa, kinakailan­gang ang shipment ay na-validate ng quarantine officers ng DA, at mayroong seal of approval. BOLUNTARYO­NG IPINAKAKAT­AY Habang patuloy ang pagkatay sa mga apektadong manok at pugo, may mga poultry raisers din sa Jaen at San Isidor sa Nueva Ecija na boluntaryo­ng ipinakakat­ay ang kanilang mga alaga.

Kinumpirma sa Balita ni Sanggunian­g Bayan member Sylvester Austria na nagbolunta­ryo ang ilang may-ari ng itik at pugo na ipakatay na rin ang kanilang mga alaga.

Hanggang kahapon, umabot na sa 28,160 pugo ang nakakatay ng mga tauhan ng Philippine Army at ng Bureau of Animal Industry (BAI). PAGKAMATAY NG 20 MANOK

SA BUTUAN Ikinaalarm­a naman ng mga residente sa Butuan ang biglaang pagkamatay kahapon ng 20 manok, ilan sa mga ito ay sisiw pa.

Gayunman, siniguro ng DACaragasa publiko na walang dapat ikaalarma at nananatili­ng ligtas ang rehiyon mula sa avian influenza.

Ayon sa DA 13, iniimbesti­gahan na ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL) ang pagkamatay ng mga manok sa Teachers Village sa Purok 5, Barangay Villa Kanangga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines