Balita

Klase sa NCR kinansela sa ‘Isang’

- Mary Ann Santiago, Bella Gamotea, at Rommel Tabbad

Kanselado kahapon ang klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila dahil sa pag-ulan at baha na dulot ng habagat na pinaigting ng bagyong ‘Isang’.

Ayon sa Department of Education (DepEd), kabilang sa mga nagkansela ng klase ang National Capital Region (NCR): Malabon, Maynila, Quezon City, Navotas, Marikina, Parañaque, Caloocan, Valenzuela, Pasay, Las Piñas, Mandaluyon­g, Pateros, San Juan, Taguig, Pasig, at Muntinlupa.

Kanselado rin ang klase sa Cainta, San Mateo, Rodriguez, Taytay, Binangonan, Morong, Antipolo, Angono, Tanay at Teresa sa Rizal; gayundin sa Meycauayan, Obando, Malolos, at Marilao sa Bulacan.

Kinansela rin ang klase sa Bataan at Cavite City, gayundin sa Calamba, Laguna; at Olongapo City at Subic sa Zambales.

Mula pre-school hanggang high school naman ang kinansela sa Baras at Cardona sa Rizal, habang hanggang senior high school naman sa Cavite.

Hanggang elementary­a naman ang kinanselan­g klase sa Abra at Itongon sa Benguet.

Samantala, nakatawid na ng Batanes Group of Islands (BGI) ang bagyong Isang.

Ayon sa Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA), lalo pang lumakas ang bagyo sa nakalipas na 24 oras.

Taglay nito ang hanging 90 kilometer per hour (kph) at bugsong 113 kph.

Sa kabila nito, isinailali­m pa rin sa signal No. 1 ang Batanes Group of Islands, Babuyan Group of Islands at Ilocos Norte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines