Balita

Americans, namangha sa total solar eclipse

- Melania at Trump

Lumabas ang mga bituin sa katanghali­an, nabalisa ang mga hayop sa zoo, narinig ang huni ng mga kuliglig, biglang natahimik ang mga ibon at binalot ng dilim ang kalupaan nitong Lunes sa pagsaksi ng United States sa unang full-blown, coast-to-coast solar eclipse simula noong World War I.

Milyun-milyong Americans ang namangha sa cosmic spectacle, at pumuwesto sa pinakamaga­gandang upuan sa tinagurian­g path of totality na umabot ng 2,600 milya sa buong kontinente mula Oregon hanggang South Carolina.

“It was a very primal experience,” sabi ni Julie Vigeland, ng Portland, Oregon, matapos mapaiyak nang masilayan ang araw na naging tila singsing ng liwanag sa Salem.

Inabot ng 90 minuto para lubusang malakbay ng anino ang buong bansa. Sa pagdaan nito, tinakpan ng buwan ang araw sa katanghali­an sa loob ng dalawang minuto, at narinig ang oohs, aahs, whoops at sigaw ng mga taong nagtipon sa mga stadium, park at bakuran.

Ito na ang most- observed at most- photograph­ed eclipse sa kasaysayan, dinokument­o ng satellites at high-altitude balloons at pinanood sa mundo sa pamamagita­n ng mga telescope, camera at cardboard- frame protective eyeglasses.

Sa White House, sa kabila ng mga babala mula sa mga eksperto sa panganib ng pinsala sa mata, inalis ni President Donald Trump ang kanyang eclipse glasses at tumingin nang direkta sa araw.

Ang path of totality, kung saan ang araw ay 100 porsiyento­ng natakpan ng buwan, ay 60 hanggang 70 milya lamang ang lawak. Ang ibang bahagi ng North America ay nasilayan ang partial eclipse, gayundin sa Central America at sa upper reaches ng South America.

Iniulat ng NASA na 4.4 milyong katao ang nanood sa TV coverage nito ng eclipse, ang pinakamala­king livestream event sa kasaysayan ng ahensiya.

Ang huling coast-to-coast total eclipse sa U.S. ay noong 1918, nang si Woodrow Wilson ang president. Ang huling total solar eclipse sa U. S. ay noong 1979, ngunit nasilayan lamang ito sa limang estado sa Northwest.

Ang susunod na total eclipse sa U.S. ay sa 2024. Ang susunod na coast-to-coast ay magaganap sa 2045.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines