Balita

Gusto n’yo ng himagsikan? Sige lang –Duterte

- Ni GENALYN D.KABILING

sa puwesto.

“Wala akong illusions diyan about staying for five years…We can only agree on what is right and legal. I do not care if you lose your trust in me. I can stay as President for one year, I can go after two years,” aniya.

Inuulan ng batikos ang gobyernong Duterte sa pagtaas ng bilang ng mga namamatay at diumano’y mga pang-aabuso kaugnay sa kampanya ng administra­syon laban sa illegal na droga.

Lalong nagalit ang publiko sa brutal na pagkamatay ng isang 17-anyos na high student sa antidrug operations ng pulisya nitong nakaraang linggo. Ilang grupo ang nagpasimun­o ng mga kilos protesta na kumokonden­a sa pagkamatay ni Kian Loyd Delos Santos at sa kawalan ng pananaguta­n at karahasan sa bansa.

Gayunman, hindi pa rin natitinag ang Pangulo sa mga kilos protesta, sinabing magkakaloo­b pa siya ng transporta­syon sa mga nagproprot­esta.

Sa kabila nito, nagbabala ang Pangulo sa mga nagpoprote­sta na huwag gumamit ng dahas.

“Let’s have an upheaval but since I am in government, magkalaban talaga tayo,” aniya. “If you take violence as your option, I said go ahead, and let us find out.”

Sa harap ng maraming retiradong heneral ng militar sa gobyerno, muli ring idiniin ni Duterte na hindi nila kailangang magkudeta para patalsikin siya sa puwesto dahil kusa niya itong lilisanin.

“Tapusin na natin itong istorya. Uprising, go ahead. Please go ahead. Lahat ng Pilipino hindi naniwala sa pulis nila o ayaw maniwala sa akin, go ahead. You have my blessing,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines