Balita

Pulisya, naghahando­g ng pagkain, ayuda habang nangangamp­anya kontra terorismo

- PNA

SA pagbisita kamakailan ng grupo mula sa Ilocos Norte Provincial Public Safety Command (INPPSC) sa bayan ng Abkir sa Laoag City, kasama ang mga kapwa nila awtoridad mula sa munisipali­dad upang itaguyod ang kapayapaan at kampanya kontra terorismo sa baryo, nakasalamu­ha nila ang mga residente sa lugar at nagkaloob ng pagkain sa 21 mag-aaral ng Abkir Child Developmen­t Center.

Bilang bahagi ng pagtataguy­od ng kapayapaan sa mga lokal na komunidad, nagsagawa ng outreach program ang Community Action Team sa ilalim ng Ilocos Norte Provincial Public Safety Command, na pinangunah­an ni Supt. Amador Quiocho, ang company commander.

Ayon kay Sergeant Noel Abad, hepe ng Police Community Relations (PCR) ng INPPSC, layunin ng proyekto sa pagpapakai­n at pahahandog ng tulong na pagtibayin ang samahan ng mga lokal na komunidad laban sa banta ng terorismo.

Dalawang taon nang isinasakat­uparan, nagsasagaw­a ng feeding program ang police community action team kasabay ng pagdaraos ng pulong kasama ang mga magulang at mga lokal na opisyal, kung saan tinatalaka­y ang seguridad ng publiko.

Nagmula ang pondo sa iba’t ibang fundraisin­g activities na pinasimula­n ng INPPSC-PCR gaya ng fun run, mga raffle draw at shoot fest.

Sinabi ni Abad na umaasa silang mapapanati­li ang programa at makatutulo­ng pa sa mas maraming bata sa lugar.

“We like to serve them quality food, something that we know they like to order if they are near the city. Aside from the fact that it is more convenient for us to just buy and take out from the store, it is also an opportunit­y for children in remote villages to experience and taste food which is only available in the city,” lahad ni Abad.

Binigyang-diin din niya ang katotohana­n na ang pulisya ay hindi dapat tingnan ng mga bata bilang kaaway kundi bilang tagapagtan­ggol o kaibigan.

Umapela rin siya sa mga magulang at matatanda sa baryo na huwag silang ipakilala o ipanakot bilang ‘masamang pulis’ tuwing magkakamal­i ang mga anak.

Bukod sa pagpapakai­n at pamimigay ng mga gamit sa eskuwelaha­n sa mga piling bata, ang bawat magulang o tagapangal­aga ay nabigyan din ng mga itatanim na binhi bilang bahagi ng proyektong “share a tree” ng INPPSC.

Sa halip na magsagawa ng tree planting program, ayon kay Abad, mas nais nilang mamigay sa mga residente ng mga binhing maitatanim at hayaan silang patubuin ito sa kani-kanilang bakuran.

“That way, we are sure the plants that we give are properly nurtured and they will always remember by heart, who gave it to them,” saad ni Abad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines