Balita

Vhong at Lovi, nakakaluka nang magpalit ng gender

- –Reggee Reggee Bonoan

NAGSANIB ang fans nina Vhong Navarro at Lovi Poe sa premiere night ng Woke Up Like This nitong nakaraang Lunes sa SM Megamall Cinema 7 kaya punumpuno at SRO (standing room only) ang sinehan.

Walang tigil na tilian at hagalpakan ang reaksiyon ng fans na naririnig namin. Pati ang mga guwardiya ng SM na nakapalibo­t sa venue, panay rin ang halakhakan.

Tawa rin nang tawa sa mga pinaggagaw­a ng mga bida maging ang manager ni Vhong na si Direk Chito Roño na nakatayo sa may tabi ng hagdanan papuntang balcony section.

Pareho kasing maloko at matigas ang ulo ng karakter nina Lovi at Vhong bilang sina Sabrina at Nando kaya pinarusaha­n sila ni Lou Veloso na isang supernatur­al being (si San Pedro yata dahil may dalang manok) pero nagpapangg­ap na pulubi o taong-grasa.

Si Sabrina ang unang lumait sa pulubi dahil nakaharang sa dadaanan ng sasakyan niya samantalan­g si Nando naman ay masyadong buwakaw sa bola kapag naglalaro ng basketball na nang minsang magso-shoot ay nasagi ni Lou, ikinairita iyon ng binata kaya sinabihan niya ng hindi maganda ang nagpapangg­ap na pulubi.

Aliw ang buong pelikula lalo na nang maging lalaki si Lovi kahit girl na girl pa rin naman dahil ang ganda-ganda pa rin niya sa malaking telon.

Kahit nakakaluka­ng tingnan, bagay namang maging girl si Vhong lalo na noong naka-makeup siya at nakaayos ang buhok at walang nakabakat. Ito siguro ‘yung sinabi ng aktor sa presscon na nakaipit o itinago niya kaya hirap na hirap siya dahil masakit.

Hirap na hirap si Vhong sa pagiging babae at samantalan­g sisiw lang kay Lovi ang pagiging lalaki.

Kontrabida ang karakter ni Dionne Monsanto na kaiiritaha­n talaga dahil effective ang pangaapi kay Lovi.

Make-up artist at personal assistant naman ni Lovi sina Cora Waddell at Ynna Asistio na hindi siya iniwan nang maging lalaki siya.

Si Joey Marquez ang ama ni Vhong, anakanakan niya si Raikko Mateo na anak ng babaeng mahal na mahal ng binata na namatay sa car accident kasama ang asawa at si Bayani Agbayani naman ang best friend niya.

May cameo role sina Vice Ganda at Teddy Corpuz sa Woke Up Like This bilang suporta kay Vhong na kasamahan din nila sa It’s Showtime.

Palabas na nationwide simula ngayong araw ang Woke Up Like Thishis nationwide mula sa direksyon ni Joel Ferrer rrer produced ng Regal Entertainm­ent.

Nakita naming ing sumuporta sa premiere night angng ilang miyembroo ng Hashtags sa a pangunguna ni Mckoy de Leon n at Nikko. Presentt naman si Bryan an Llamanzare­s na anak ni Sen. Grace Poeoe na pamangkin ni Lovi. Namataan din si Myrtle Saroza na sinasabing­bing girlfriend ng direktorto­r ng pelikula.

Aliw nga kasi nasa likod ni Myrtle ang ex-boyfriendr­iend niyang si Bryan na napapating­in patingin sa kanya.

Maganda ang ngitigiti ni Mother Lily Monteverde sa narinig na mga positibong feedback dback sa Woke Up Like This.

 ??  ?? Vhong at Lovi
Vhong at Lovi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines